Maja Salvador panlaban sa pagiging daring ni Cristine Reyes?

    396
    0
    SHARE
    Ngayong bumigay na si Maja Salvador sa pinagbibidahan niyang Nagsimula sa Puso, ikinukumpara na siya kay Cristine Reyes. Kaya rin daw pala ni Maja ang pagpapaka-daring na ginagawa ni Cristine.

    Kung hindi nagpakita ng mga brutal na baring si Maja, parang hindi naman tamang pagkumparahin silang dalawa. Magkaiba kasi ang packaging ng dalawa. Si Cristine ay ginu-groom ng Viva bilang sexy actress, si Maja naman, very wholesome ang image.

    Ngayong bumigay si Maja sa teleserye dahil siya na ang bida rito, posible nga’ng kumparasyon nila ni Cristine. Kung hindi pa nga raw dumating ang Nagsimula Sa Puso, hindi pa makapagdedesisyon ang dalaga na ipakita ang kanyang mga itinatago.

    Sabi nga noon ni Maja, matagal na raw niyang hinintay ang mabigyan ng big break sa soap opera at ngayong hawak na niya ito, willing siyang ibigay ang lahat-lahat.

    At sa mga eksena ng naturang teleserye, ninerbiyos pala si Maja Salvador sa kissing scene nila ni Coco Martin sa launching teleserye niyang Nagsimula sa Puso, kumpara sa kanilang dalawa ng isa pa niyang partner na si Jason Abalos.

    Kung brutal ang pagkakahalik sa kanya ni Coco, very passionate naman daw ang sa kanila ni Jason.

    Kaya speechless ang young actress kapag tinatanong kung masarap daw bang humalik si Coco.

    First kiss din ni Maja sina Coco at Jason on screen.

    “Si Jason nakarami ng love scenes with me kasi mag-asawa po kami dito, eh. Si Coco marami din pero mas matitindi lang po talaga ‘yung  kay Coco kasi student ko siya rito at obsessed siya sa akin. Kaya po kapag naghalikan kami talagang as in wow! And wala pong daya ito,” kinikilig pang sambit ng dating pa-tweetums na aktres at ngayon ay sumabak na sa daring scenes.

    Dahil daw sa torrid kissing scenes ay nababalitang nililigawan na ni Coco si Maja, na itinanggi naman ng batang aktres.

    “Sweet at maalaga si Coco, ‘yun lang po ang masasabi ko. Kasi ayoko naman mag-feeling siguro. Ayoko namang sabihin na, ‘Oo nanliligaw sa akin si Coco’, noh.”
     

    Si Coco na lang daw ang tanungin kung nililigawan nga ba siya nito.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here