Matronang aktres kumabit sa maraming aktor

    412
    0
    SHARE
    Napakaganda ng kanyang imahe sa publiko. Ubod siya ng linis na tila walang bakas ng mga kasalanan. Modelo siya ng mga may asawa ng artista pero ang hindi alam ng marami, ubod po ng landi ang ngayon ay matrona ng aktres.

    Noong araw, lath ng mga madikit na aktor sa kanya ay kinakabitan niya. Basta bata at guwapo, walang hindi si aktres.

    Pero ang klasika ay ‘yung siya pa ang noon ay nagpupunta sa bahay ng isang aktor na ngayon ay kasali sa isang numerro unong teleserye. Mismong lola ni aktor ang nagkukuwento sa mga reporter tungkol sa kanya at sabi pa ni lola, ‘ako ‘yung lolang lagi niyang binabati sa tv show niya.’

    Dagdag na tsismis pa ni lola, sa kanila nakikiligo si aktres.

    Puwede mo nang isiping sa tuwing paparoon siya sa bahay ng aktor na lover, umaatikabong kuyangyangan ang nangyayari.

    Binansagan din siyang halinghing queen. Paano raw kasi, sa tuwing nagtatalik sila ng isa pang aktor na naging kulakadidang niya, umaabot sa ikapitong condo ang mga halinghing niya. Ang maid daw ang nahihiya sa tuwing tinatanong siya ng mga kapitbahay.

    Kilala ba n’yo?


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here