Mga konteserong bading ipinakilala sa media

    379
    0
    SHARE
    Nagkaroon ng press presentation ang production company which is taking charge of Mr. Gay-World na actually ay second year na ngayon. The winner of these gay pageant will compete with other countries sa Oslo, Norway. Our representative nitong nakaraang taon ay si Wilbert Tolentino, nanalo ng tatlong special award sa Canada. Nasa presscon din si Wilbert to support this year’s pageant at dahil nga isa siya sa mga presentors this year. Along with three others whose names we can’t remember dahil hindi naman kami nabigyan ng press kit na feeling naming ay sinadya talaga ng mga staff dahil hindi naman kami officially invited. Biglaan lang kaming isinama ng aming editor sa Remate nasi George Vail Kabristante dahil mayroon siyang problema sa geography ng persscon.

    Anyway, sa amin bigyan man kami o hindi okey lang, ang importante, heto kami in our own way, we are writing what we could tungkol sa event nila.

    Sa October 25 po gagawin ang finals ng contest at sa Metro Bar ito gagawin. Directed by Ronald Carballo, we presume na higit na mas matino ang presentation nila kesa nagdaang taon.

    Bale nineteen lahat ang mga candidates nila na pinarampa at pinagsalitang isa-isa.

    Iisa ang opinion ng karamihan sa mga press na dumalo. Na maraming tsaka at sobrang bading sa mga labinsiyam na kandidato. Karamihan sa kanila ay halos kumendeng sa pagrampa. Hitsura ng mga berdaderong bading na ahit pa’ng kilay ng karamihan.

    But of course, may ilan din namang mabibilang mo sa daliri na alam mong puwedeng mapanalunan ang titulo. Sinoman kina number 15, number 7, at number 16 ay puwedeng manalo. ‘Di rin pahuhuli ‘yung number 5 kaya lang minus point a kanya ‘yung sobrang halatang kabadingan niya.

    Marami naman kaming maipupuri sa mga kandidato ng Mr. Gay–World. Matatalino sila’t halos lahat ay eloquent na kayang sagutin ang mga tanong kahit na mga balahura pa ‘yung gma binato sa kanila.

    Game sila kumbaga, at alam mong kung papalarin, hindi naman nila tayo ipahihiya sa mga kalabang ibang bansa.

    Pero teka, bakit nga ba may ganitong klase ng contet? Sa mga panahong ito na masyado nang kumplikado ang buhay, relevant pa ba na maggawa pa ng mga contest na hindi mo naman talaga malirip kung ano ba ang relevance? Sa panahong ganito na kahirap ang buhay, hindi ba dapat, back to basics na lang tayo?



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here