Hayden Koh ‘di pa pinatawad ng publiko

    388
    0
    SHARE
    Marami pa rin ang umuumis kapag may balitang nagkabalikan sina Vicki Belo at Hayden Koh. “Di matanggap ng marami na matapos ang kontrobersya sa binansagang manyak na duktor, muli siyang tinangkilik ng dating lover na duktora. Anyway, si Vicki mismo ang nagsasalitang magkaibigan lang sila ni Hayden kung kaya lagi silang nakikitang magkasama sa mga malls. “Nagsimula kami bilang magkaibigan and until now, magkaibigan pa rin kami. Hindi pa puwedeng maging kami dahil kahit pinatawad ko na siya, ‘di ko pa rin malimot ang ginawa niya. Noon, isang taon mahigit kaming magkaibigan, then naging bf ko siya, tapos naging magkaibigan na naman kami. Hindi pa kami lumalampas diyan,” paniniyak pa ni Vicki Belo.

    Samantala, sa isang relief operation, nagkasama sina Hayden at ilang kaanak ni duktora. Gusto raw nilang tumulong sa mga nasalanta at si Hayden nga, mamimigay ng relief goods.

    Isang grupo raw ng mga bata ang nambuska kay Hayden nang makita nila ito. Sukat daw na ginilingan at kinantahan ng Careless Whisper si Hayden kaya halatang nairita ito. Pero idinaan na lang daw sa tawa ni Hayden ang pamumuska ng grupo.

    Malinaw na kahit saan siguro magpunta si Hayden ngayon, bumabalik-balik ang bagabag niya dahil nga nakikita niyang hindi pa siya pinatatawad ng publiko.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here