Sikat na female balladeer napadumi sa kotse

    323
    0
    SHARE
    Kasagsagan ng kasikatan ng ngayon ay may pangalan pang number one balladeer nang mangyari ang isang ‘sakuna”. Kuwento ng dating road manager niya, nag-show sa isang northern town ang singer pero nang pauwi na sila, inabot ito ng sakit ng tiyan. Parang may nakain ito na kumontra sa kanyang naturalesa. Umabot daw sa puntong hindi na  nito matiis ang sakit ng tiyan na kailangan na niyang dumumi.

    “Alam naman ninyo, mahirap talaga kapag inabot ka nang ganyan. So ako, sabi ko kahit na sa tabi-tabi lang idaos na niya. Pinahinto ko ang kotse sa isang damuhan tutal naman, madaling araw, wala namang maraming sasakyan. May napkins naman kaming dala para lang makaraos na. Ang kaso, hindi pa nakababa ng kotse si____, bumulwak na’ng dumi. Talagang sumabog sa upuan ng kotse ang dumi niya, ang baho talaga. Wala na kaming nagawa kungdi linisin na lang, pumarada kami sa isang gasolinahan at sa CR, talagang naglinis siya.

    “Sa true lang, ang baho talaga, umaalingasaw.  Hindi naman kami makatawa kasama ng alalay niya, so deadma na lang kami. Ni hindi namin pinag-usapan ‘yung pangyayari. Mataray kasi siya at baka masibak ako sa trabaho,” kuwento ng roiad manager ng singer.

    Clue? Ay, ‘wag na, baka sa amin naman magalit ang babaing ‘yan at hindi kami kausapin ng isang linggo.

    Getz n’yo?



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here