Aga Muhlach God’s gift to Charlene Gonzales

    376
    0
    SHARE
    May karapatang magmalaki si Charlene Gonzales sa mga kagaya niyang beauty queens. Siya kasi, nakuha niya’ng kanyang dreamboy at hindi basta lang bumagsak sa kung kaninonglalaki lang.

    Take note, up to now, Aga Muhlach is still a deram para kanino mang  babae.

    Noong isang araw, nag-host sina Mirriam Quiambao, Ruffa Guttierrez at Charlene para sa pre-pageant ng Miss Universe quest. Ang ganda talaga nila at puwedeng kainggitan ng sinomang babae.

    Pero pagdating nga sa lovelife, pinakasuwerte sa tatlo si Charlene having Aga the father of her children.

    Si Miriam kasi, sawi sa pag-ibig, naging masalimuot, at ngayon, ayon sa kanya is still looking for Mr. Right. Kumbaga, sa panahong ito, she is still dating at hindi pa sigurado kung makahahanap ng kanyang man of her dreams.

    Si Ruffa, bigo rin. Kahit na nakapag-asawa pa ng ubod nang yaman, ayan siya ngayon, looking for someone para namn may makaagapay sa pagpapalaki ng kanyang mga anak.

    Pero si Charlene, puwedeng magmalaki. She has good words for Aga at ayon sa kanya, sobrang suwerte ang natamo niya nang magpakasal kay Aga Muhlach.

    “Kung psible lang i-duplicate si Aga, I will do it, alam kong imposible. Pero papayag ako kung puwede lang na i-share si Aga sa maraming nangangarap na mga babaing makatagpo ng isang Aga Muhlach.

    “She is a very good person, mabuting asawa, mabuting anak, mabuting ama, mabuting mamamayan, ulirang artista at type kong sana yung ibang babae ay makatagpo rin ng isang gaya niya. Aga is God’s perfect gift to me at habang panaho ang paniniwala kong ‘yan.” Buong pagmamalaking sabi pa ni Charlene Gonzales.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here