Judy Ann Santos ‘di natinag ng tandem nina PACMAN at Marian

    327
    0
    SHARE
    Rating-wise, tiyak na natalbugan ng Show Me The Manny na nag-premiere noong Linggo, August 23 sa GMA 7 ang George and Cecil ng mag-asawang Ryan Agoncilio at Judy Ann Santos na siya nilang tinapatan sa kabilang network.

    Ang alam namin kasi,marami ang nag-abang ng p ilot episode just to see kung ano ang ipakikita ng bagong sitcom na ito.

    But did you know na marami ang disgusted dahil nga ang pangit ng dating ng sitcom, pang-isang season lang talaga. Na talagang ikalulugi lang ng network dahil nga walang laman ito.

    Compared to George and Cecil na very relevent ang dating na marami kang matutunan, ang Show Me The Manny ay walang pinabg-iba sa mga naunang sitcom noon ng GMA 7.  Kumbaga, pinaglumaan na ng panahon ang istorya at talaga namang mala-Cafeteria Aroma ang approach ng comedy routine nito.

    Corny ang Show Me The Manny, una na yung wala naman talagang acting ability ang lahat ng mga ibinabandong mga bagong pangalan. Bano sa pag-arte si Many, ganun din si Marian at si Aling Dionisia, halatang may nerbiyos at walang kumpiyansa sa kanyang sarili.

    Kung ganyan ngang tipo ng comedy ng bagong sitcom, kaunti lang ang magtitiyagang panoorin ito.

    Ang George and Cecil nina Judy Ann Santos ay may following, hinsi iiwan ng viewers dahil tuluy-tuloy ang istorya nito pero sa bawat episode meron silang issue na tina-tackle, hindi gaya ng Show Me The Manny na mga lumang gags na hindi na kinakagat ng tao.  Pilit silang nagpapatawa gayung di na nakatatawa’ng mga antics nila. Sa George and Cecil, you see real people at hindi mga istupidong mga karakter na ipino-portray sa Show Me The Manny.

    Kaya nga puwedeng sabihing di kayang tinagin ng bagong sitcom ng GMA 7 ang kina Ryan Agoncilio at Judy Ann Santos.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here