Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia naunahan pang magsolo ni Evette Pabalan

    588
    0
    SHARE
    Marami naming intriga sa buhay ni Rochelle Pangilinan. So far, kasi, si Rochelle ang itinuturing na pinakamaking pangalan sa hanay ng mga Sex Bomb Dancers, pero bakit nga tila nahihirapan itong maging solo star?

    Ganun din si Jopay Paguia na nanatiling starlet level lang kahit nga kilala ng publiko.

    At si Rochelle, di ba nagtangka itong maging solo star pero walang nangyari, bulilyaso ‘ika nga.

    Kaya ngayon, patuloy si Rochelle sa pagiging ordinaryong Sex Bomb Dancer lang.

    Lately nga, may isyu kay Rochelle at ito yung sinasabing meron din daw siyang video scandal. Biktima rin daw siya ni Hayden Kho?

    Sa amin, mukhang gimik lang ito. Isang effort na nagbabakasakaling mapansin siya at tuluyang sumikat.

    Still, ayon kay Rochelle, nagulat siya sa tsismis na may sex video scandal daw siya.

    Pero, tinawanan lang nito ang malisyosong tsika dahil hindi naman ito totoo.

    Kaya ayaw na niyang mag-react para mamatay na lang nang kusa ang naturang isyu.

    Inamin din ni Rochelle na napo-pogian siya kay Dr. Hayden Kho noong hindi pa pumuputok ang kontrobersiyal nitong sex vi-deo.

    Kaya pakiusap ni Rochelle ay tigilan ang isyu na may sex video siya.

    Mukhang fabricated lang, hindi po ba?

    Anyway, ang genuine na balita ay itong naunahan na silang dalawa ni Jopay ni Evette Pabalan. Na maging solo star. Yes, nagsosolo na si Evette and is commanding a very high price in the provincial show marketing.

    Kinukuha na si Evette bilang solo performer simula ng maging champion ito sa WCOPA kailan lang.

    Kailan lang kasi, nakasabay ni Evette ang EB Babes sa isang fiesta sa Pampanga. According to the promoter, malaki ang talent fee ni Evette pero sulit naman. Enjoy nga ang publiko sa kanyang magaling na singing performance. Yes, solo lang si Evette pero halos kapantay na niya’ng presyo ng buong grupo ng EB Babes.

    Alam kaya ito ng Sex Bomb Dancers?

    By the way, balita namin, tumakas lang si Evette sa show na ito sa Pampanga sa kanyang manager na si Joy Cancio, kasi nga malaki ang talent fee niya, kaya nga di nagpakita si Evette sa amin at sa EB Babes at baka raw siya isumbong kay Joy Cancio.

    So there!


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here