Psychic namumulitika?

    359
    0
    SHARE
    Malas daw para sa bansang Pilipinas ang  pagkakaron ng presidenteng dating senador.

    Ito ang buod ng sinabi ni Danny Cinco, isang magaling at nirerespetong veteran psychic sa showbiz. Aniya sa kanyang press release at ginawang paglilinaw sa ipinatawag niyang press conference na ginanap sa Dulcinea noong Lunes ng hapon, masyado siyang binabagabag ng kanyang latest vibration na talagang ikinagulat ng mga imbitadong press.

    Sang-ayon kay Cinco, nakita niya sa kanyang bolang kristal na magpapatuloy ang kamalasan at kahirapan ng Pilipinas kung  isa na namang senador ang mananalong presidente sa 2010 national elections.

    “Nakikita ko ang isang malungkot na senaryo kapag senador na naman ang ating magiging pangulo, lalong maghihirap ang ating mga kababayan at magkawatak-watak lalo ang  ating bansa, dadalawin tayo ng malakas na bagyo at maraming kalamidad at magiging grabe ang peace and order situation ng ating bansa,” ani Cinco.

    Isa pa ring batayan sa prediksyon ni Cinco ay ang numero ‘6’ na numero daw ng demonyo. Maliwanag daw ang kamalasang sasapitin ng bansa dahil anim daw ang senador na nag-aagawan sa posisyong presidente ng bansa.

    “Maramig ang magugutom, dahil higit na mas marami ang mawawalan ng trabaho sa ating populasyon,” hirit pa nito.

    Sa kasaysayan ng pulitika sa Pilipinas, lalong marami ang naahirap sa pamamahala sa mga dating senador na sina Marcos, Erap Estrada at Gloria Arroyo. Naging maganda lang daw ang takbo ng bansa natin sa panahon nina Cory at Fidel Ramos na kapuwa hindi naging senador bago naluklok sa panguluhan.

    Ito raw ang vibration niya na bumabagabag sa kanya kung kaya napilitan siyang magpatawag ng presscon upang magbigy ng babala sa taumbayan.

    Like we say, matagal nang psychic si Danny Cinco at sa mga panahong nagdaan, marami siyang nahulaang importanteng pangyayari sa ating bansa. Kumbaga, pagdating sa batting average, matas ang marka ng psychic na ito.

    “Isa pa, matagal na rin naman tayong di nagkikita, kaya siguro, very fitting naman itong presscon bilang reunionnatin,”sabi pa ni Danny Cinco.

    Pero alam ba ninyong inulan ng mga katanungan si Cinco mula sa mga reporter na may tonong nagdududa sila sa tunay na dahilan kung bakit nagsalita sa press si Cinco. Iniisip ng ilan na may hawak na pulitikong hindi pa naging senador si Cinco at ito ay paraaan upang i-endorso niya ito.  “Mali po, hindi totoo yan.  Malinis po ang aking hangarin, talagang binabagabag ako kung kaya isiniwalat ko lang sa inyo ang aking nararamdaman.”

    Anyway, naniniwala ba kayo kay Danny na talagang mamalasin ang bansa kapag senador na naman ang mananalong presidente sa 2010 eelctions?

    Take note, Many Villar, Mar Roxas, Jamby Madrigal, Erap Estrada, Noli de Castro.

    Sino na nga ba ang pang-anim?

    At sino naman kina Ed “Among” Panlilio, Bayani Fernando, Joe De Venecia at Gilberto Teodoro ang manok ni Danny Cinco?


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here