Nadine Samonte naiinggit sa magandang kapalaran ni Carla Abellana?

    290
    0
    SHARE
    Obviously ay si Carla Abellana ang tinutukoy ni Nadine Samonte nang sabihin niyang parang nakalimutan na siya ng GMA 7 gayung kung sino-sino naming mga baguhan ang ginawang bida ng Siyerte. Hindi na kasi itinatago ni Nadine Samonte ang pagkadismaya niya sa latest assignment na ibinigay sa kanya ng GMA-7. Isang kontrabida role ito bilang Babaeng Impakta, isa sa mga makakalaban ni Marian Rivera, sa bagong telefantasya ng Kapuso Network na Darna.

    “Kung iisipin, okey na rin lang, kasi may trabaho ako, but to be honest about it, hindi ito ang trabahong gusto ko. Kasi kung iisipin, nakapagbida na ako ng ilang ulit, e. I don’t mind playing kontrabida roles, pero sa nangyayari, nagiging one of those lang ako.

     ”Bakit ganoon? Samantalang may mga bago diyan, ngayon lang sumulpot, biglang bida agad! Hindi sa nai-insecure ako, pero you can’t help but ask, di ba? Ano ba ang nagawa kong mali para lumabas na napapag-iwanan ako?” malungkot na katanungan pa ni Nadine.

    Sa ngayon daw hangga’t maaari ay ayaw na niyang magsalita pero napipilitan siya kapag tinatanong. Hindi naman daw kasi siya ipokrita na kailangang itago ang kanyang nararamdaman.

    “Ayoko naman kasing mag-nega nang husto, lalo kung napakaraming press ang magtatanong sa akin. Kilala ako ng mga kaibigan kong reporters. Kapag nagsalita ako, dere-deretso rin kasi. Ayoko lang kasing magpaka-hypocrite.”

    Tingin daw niya, paatras ang development ng kanyang career, kaya maaring tumigil na lang siya at mangibang- bansa.

    “Hindi mo naman ako masisisi, kasi iniisip ko, 21 years old na ako. Matagal-tagal din akong naghintay. Tatanda na lang ba akong ganito? Iniisip ko na rin kung ano ang mangyayari sa future ko. Maraming bagong pumapasok, mas bata, saan pa ako lalagay?

    Kaya nga baka sa Germany na lang ako manirahan.

    “Nag-iisip kasi ako sa future ko, ako pa naman ang breadwinner ng family naming.

    “Mga two or three weeks akong mawawala sa October, para makapaghanap din ng paraan o dahilan kung bakit pupuwede akong manirahan sa Germany.

    “Kung ganyan nang ganyan kasi ang mangyayari, ngayon pa lang, dapat na mag-isip na ako. Hindi na kasi ako excited sa buhay ko sa showbiz,” pangwakas ns salita pa nito.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here