Hindi nagrereklamo si Jorross Gamboa kahit after ng Eva Fonda ay ngayon lang ulit nagkaroon ng show sa ABS-CBN 2. Alam kasi niya na di naman siya pinababayaan ng ABS dahil sa loyal naman daw siya rito. Kapamilya pa rin daw siya dahil kasama siya sa Pat is Tin with Valerie Concecpion at Jon Avila.
"Actually, ABS pa rin naman ako basta kay Tita Becky (Aguila) pa rin ako. Happy naman ako sa career ko kasi nabibigyan ko rin ng time ang pag-aaral ko. Simula noong 2007, nag-aaral ulit ako sa Southville International School. Third year irregular ako sa Masscom," bungad niya.
"Nag-e-endorse din ako sa school. Miscellaneous lang ang binabayaran ko. Actually, si Jodi Sta. Maria, bagong pasok doon. Karamihan doon mga Koreana," kuwento pa niya.
Hindi ba siya nag-ala Joseph Bitangcol na nagkagusto sa Koreana sa katauhan ni Sandara Park?
"Mayroon ako ngayong girlfriend. ‘Yun pa rin…Nagtatagal nga, eh! Hindi ako nambabae," tumatawa niyang sabi na nakapikit ang mata.
Wala pa silang isang taon ng gf niya pero masaya siya ngayon sa karelasyon niya. Wala silang tension ng non-showbiz girlfriend niya.
May offer ngayon kay Joross na isang indie movie pero lalaki ang ka-sex niya.
"Babae muna. Hindi ko pa kakayanin. Kaunti pa lang ‘yung nakatalik kong babae sa screen, eh! Gusto ko maragdagan," diretso niyang sagot. "Hindi naman sa hindi pabor pero sa ngayon, huwag muna," aniya.
Eh, kung butt exposure?
"Magpapalaki muna ako ng butt. Kailangan ko ngang magpalaki ng katawan. Ayaw kong lalabas na payatot," sey pa niya.