Mommy Dionisia mas sikat kaysa kay Jinky Pacquiao

    431
    0
    SHARE

    Talong-talo na talaga ni Mommy Dionisia ang manugang niyang si Jinky Pacquiao pagdating sa kasikatan. Mula sa mga naunang exposure, nagging kagiliw-giliw si Mommy Dionisia sa mga manonood dahil sa kanyang very lovable stance. Wala kasing pretension sa nanay ni Mommy Dionisia na kahit alam mong ang-e-effort na makilala, simple lang ang kanyang aktitud. Kung ano siya, siya na yun , walang kayabangan, walang kaplastikan.

    Di ba, napabalitang hindi sila magkaayos ni Jinky? Ito kasing si Jinky, may pagkamatakaw din sa limelight. Pumapatol sa mga intriga at halatang gusto nga niyang magpaka-mainstream.

    Pero dahil pasosyal ang pero peke na peke naman anbg dating, ayan at talagang tinalbugan siya ng biyenang ngayon ay sikat na sikat na.

    May naririnig pa ba kayng pinag-uusapan tungkol kay Jinky?

    By now, ang tiyak, nagpuputok ang butse nito sa sobrang inggit kay Mommy Dionisia who is now earning millions dahil sa kanyang sinseridad.

    Para mapatunayang sikat na sikat na ang nanay ni Manny, naging central character siya sa isang segment ng isang talkshow kalian lang.

    Marami nilinaw si Mommy Diinisia kasama na rito ang pagka-link niya sa isang ballrooom instructor.

    "Kasi, hindi totoo yung mga balita," sagot ni Mommy Dionisia. "Dahil ang nagsalita, naiinggit lang sa akin. Kasi, may ipinakita ako sa lahat ng tao na marunong akong magpakita ng dancing ko…Yung iba, hindi marunong kasi balita lang sa kanila. Iniintriga lang."

    Kilala ba niya ang naninira sa kanya?

    "Gawa-gawa lang ‘to, kasi sikat na ako!" tahasang sabi ng ina ni Manny.

    Ano ang nais niyang sabihin sa mga naiinggit sa kanya?

    "Ipaabot ko lang sa mga nang-iintriga sa akin, lalo na, wala nang ibang natingnan nila… Sana, ipaabot ko lang sa nang-iintriga sa akin, gumawa ka naman ng gawa para sa iyong sarili, para magkasama tayo na mga sikat. Hindi kayo maggawa-gawa ng intriga!" natatawang sabi ni Mommy Dionisia.

    Mag-aartista naba siya talga? 

    "Kasi, nahirapan talaga ako. Sabi ko, ballroom dancing lang, marami na ang naiinggit. Lalo na kung mag-artista, mas marami na sila iintriga sa akin.

    "Ang isip nila, nandito na lang palagi sa Manila. Meron namang iba, nang-iintriga sa akin, sabi nila, ‘Wala na kayong time dito sa atin sa GenSan, palagi na lang kayo sa Manila.’ Sabi ko, ‘Hintay lang kayo mga friends, magkasabay-sabay tayo mag-dancing, huwag kayong mag-alala,’" nakatutuwang sagot ni Mommy Dionisia.

    Kung may offer, tatanggapin ba ni Mommy Dionisia? Balita kasing may offer na sa sitcom sa kanya ang GMA-7 kasama si Manny?

    "Sa pag-artista, tinanggihan ko na," sagot niya. "Alam na ng mga anak ko. Lahat na mga anak ko, anim, lahat sila, nagsabi na, ‘Huwag kayong sumali diyan, Ma. Kasi, medyo may edad ka na. Baka mahirapan ka diyan. Okey lang kung mag-guesting ka lang.’

    "Nagpaalam naman ako kay Manny, and sabi ni Manny, ‘Samahan mo ako sa show, sa 28. Ma, samahan mo ako.’ Sabi ko, ‘Dili ako mag-artista, ‘nak!’ Sabi niya, ‘Guesting lang naman sa showbiz.’ So, guesting lang naman."

    Pumayag ba siya?

    "Kung saan ang anak ko masaya, susuportahan ko siya," sagot ni Mommy Dionisia.

     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here