Totoo kaya?
Matindi raw ang obsession ni Willie Revillame kay Precious Lara Quigaman? Sabi ng mga sitsit, sa ngayon daw, malaki ang inggit ni Willie Kay Marco Alcaraz dahil nga napapabalitang ito ang bagong boyfriend ngayon ni Lara. Si Marco rin daw ang naging dahilan kung bakit hindi na itinuloy ng Wowowee ang muling pagkuha sana kay Lara sa noontime program.
Si Lara mismo ang nagkukuwento sa ilang reporter na siya rin ay nagtataka kung bakit nga tinawagan siya at sinabihang maging regular na every weekend sa naturang noontime show pero bigla ring kinontra-tawag at sinabihang ‘wag na lang mag-report dahil marami na raw silang co-host sa Wowowee.
“I don’t really know,” sabi pa niya. “I just got a call from them saying I don’t have to report anymore as they already have plenty of co-hosts for Willie Revillame. So I just said, okay. Earlier, I was told magiging regular host na ako on weekends, pero bigla ngang sinabing huwag na akong mag-report, o di sige.”
Dito na nga pumasok yung suspetsang baka ayaw ng mga taga-Wowowee kay Lara dahil nga napabalitang may bagong BF na nga ito. “Yes, we do go out, pero hanggang doon lang ‘yun. Wala naman sigurong masama roon kasi friends lang kami. Hindi ko pa naman siya boyfriend. You can ask him mismo and he’d say there’s nothing serious between us. At saka, hindi ko makita kung ano ang masama sa pakikipag-date.”
Could it be that Willie is jealous of Marco? “I don’t know. But whatever the reason is, wala akong magagawa. Basta Marco is just a friend. Okay lang sa akin kung ayaw na nila sa’kin sa ‘Wowowee’, pero sana, huwag na lang paghaluin ang personal affairs sa trabaho. Magkaiba naman ‘yun.”
Kung matatandaan, una nang sinibak si Lara sa Wowowee nang isama nito ang boyfriend sa isang foreign show kahit na bawal na bawal nga sa mga co-host ang magbitbit ng boyfriend.
Well, ayaw naman naming maglagay ng malisya pero mismong sa tono ni Lara ay makababasa ka ng in between the lines na alam niyang pinagnanasaan siya ni Willie kung kaya nga lagi itong selos na selos sa mga nagiging karelasyon niya.
Inuulit namin, totoo kaya?