Rufa Mae pinaglaruan lang si Jon Avila?

    334
    0
    SHARE
    Wa as in wala naman palang katotohanan yung noon ay isyung sina Rufa Mae at Jon Avila na. Actually, mismong si Jon angpabulang wala naman talagang ligawang nangyari sa kanila at kung na-link man sila, yun ay dahil pareho lang silang nag-cooperate ni Rufa Mae to sell a movie na pinagsamahan nila.

    Pero anghihinayang daw si si Jon Avila na nauwi sa wala ang pagiging close nila noon ni Rufa Mae Quinto.

    Kasi, hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na maligawan si Rufa Mae.

    Naging super-busy kasi ang sexy comedian sa pagku-concert sa abroad at siya naman ay inasikaso rin ang sa kanyang acting career.

    Sa ngayon, hinahanap-nahap pa rin ni Jon ang kabaitan ni Rufa Mae sa kanya.

    Pero tinanggap na rin niya na hanggang magkaibigan lang talaga silang dalawa.

    Kahit nasa bansa si Rufa Mae ngayon, huli silang nag-usap last May.

    Samantala, busy si Jon sa kanyang acting career dahil kasama siya sa Oh My Girl ng Regal Films bilang showbiz boyfriend ni Judy Ann.


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here