Gretchen Barretto na-appendectomy

    450
    0
    SHARE
    Biglang isinugod sa Asian Hospital si Gretchen Barretto dahil sa ma-tinding pananakit ng likod.
    Nagsimula ang pananakit sa kanang bahagi ng kanyang likod nang mag-show ito sa Singapore kamakailan.

    Kaagad nagpa-check ang live-in partner ni Tony Boy Cojuangco pero walang nakitang anumang diperensiya ang mga doctor.

    Pero last Saturday ay muling umatake ang sa-kit at dahil sa sobrang sakit ay nagpasyang sumailalim si Greta sa MRI at dito ay natuklasang may appendicitis ang actress.

    Para maiwasan ang mas malaking pinsalang idudulot sa katawan ay hindi raw pumayag ang doctor na hindi kaagad ito maoperahan.

    Nakarating sa amin na okay na umano ang lagay ng actress at wala nang dapat ipangamba ang kanyang mga kaibigan at fans.

    Ang unang nag-alala sa kalagayan ni Gretta ay ang kanyang one and only partner na si Tony Boy Cojuangco at mga kapatid.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here