Hinalakhakan lang ni BB GandangHari ang patutsada ng mag-dyowang Carmina Villaroel at Zoren Legaspi

    1096
    0
    SHARE
    Knowing BB GandangHari, tiyak na tinatawanan lang niya yung pasaring nina Carmina Villaroel at ng asawang si Zoren Legaspi, na bading siya.

    Kitang-kita namang masayang-masaya siya ngayong finally ay nakapag-out na siya bilang si BB Gandanghari.

    Buong pagkataklesa kasing sinabi ni Carmina Villarroel sa The Buzz last Sunday na bakla nga ang dating dyowa niya. Sila kasi ni Zoren Legaspi ang sumalang sa Tough 10 segment ng naturang talk show at isa sa mga tanong ay kung ano ang gustong sabihin ngayon ng aktor sa yumaong ina ni Mina.

    Ang sagot ni Zoren, siguradong nakangiti ngayon ang nanay ni Carmina dahil nakatagpo ang anak ng lalaking magmamahal sa kanya.

    Dito sumingit si Carmina at ikinaloka ng lahat ang sinabi niya.

    “Pwedeng dagdagan? Isang tunay na lalaki na tunay na magmamahal sa ’yo.”

    Maging si Ruffa Gutierrez, na siyang nag-i-interview, nagulat kaya umugong ang malakas na reaksyon mula sa audience.

    Paano naman, obvious na ang pinatatamaan ni Mina ay ang dating asawang si Rustom Padilla, na as we all know, nag-out na gay siya during his Pinoy Big Brother Celebrity Edition stint at ngayon ay si Bebe Gandanghari na.

    Napabalita noon na ang tunay na dahilan ng kanyang separasyon ay dahil umano nadiskubre nga ni Mina na gay si Rustom.

    Anyway, hindi namin alam kung naging taklesa lang si Carmina o talagang sinadya niyang pasaringan si Rustom.

    Next time naman, mag-ingat si Carmina sa pagbibitaw ng mga salita. Kahit paano, may piangsamahan naman sila ng ‘namayapa’ ng si Rustom Padilla. Hindi magandang pakinggan na ginagawa pang katatawanan ni Mina na hindi pala tunay na lalaki ang naging siyota niya.

    Definitely, this leaves a bad taste in the mouth.

    Kung si BB naman kaya’ng magsalita ngayon tungkol sa di niya magandang karanasan sa kanya noon, what would she feel?

    Halimbawa ay sabihin ni BB na kulang na lang ay sumuka siya evrytime na nakikipag-sex noon kay Carmina, dahil nga mas gusto nitong lalaki kesa babae?

    Magawa kaya ni Carmina na tawanan lang yun?

    SHARE
    Previous articleThe Big Lie
    Next articleTalks not so divine

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here