Jennylyn Mercado at anak, sobrang ginagamit sa publisidad ni Patrick Garcia

    337
    0
    SHARE
    Nakadidiri talaga itong si Patrick Garcia. Pagkatapos niyang takbuhan ang responsibilidad sa anak niya kay Jennylyn Mercado, heto siya ngayon, panay ang satsat na ganyan at ganito para mapabango ang image niya ngayon.

    Siyempre, alam ni Patrick na nang lumayo siya kay Jennylyn, bumaho ang image niya at ito na nga ang tamang panahon, yung may soap opera siya na kailangang linisin ang mabantot niyang pagkatao.

    Kaya kung naririnig natin si Patrick na kesyo nasasabik na siya kay Alex Jazz at gusto na niya itong madalaw at marami pang ek, ploy lang po yun ng kanyang publisidad upang pabanguhin ang image niya.

    Umasa na rin tayong isang araw ay muli niyang liligawan si Jennylyn na may ek pang gusto niyang makasama ulit sa isang teleserye, upang higit niyang magamit ang mag-ina niya.

    But Patrick is already a lost cause. Hopeless na makabangon ‘ika nga. Hindi na magbabalik yung malaking statur niya gaya ng dati. Sinira na yun ng drugs at ng pagkalulong sa sugal. At ng pagiging iresponsableng boyfriend kay Jennylyn at ama kay Alex Jazz. Wala na siyang redeeming value pero sana naman, mali kami.

    We want  to believe na may pag-asa pa siya.

    Sana nga!


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here