Rebelasyong pag-iibigan ng TV host at pulitiko ‘di nakatulong kay Willie Revillame

    407
    0
    SHARE
    Sobrang baba ang nakuhang rating ng Wowowee sa araw na nagbigay ng rebelasyon sina Korina Sanchez at Mar Roxas ng kanilang pagmahalang ayon sa kanila ay walang kinalaman sa pulitika. Of course, wala naming naniniwala sa kanila dahil malinaw na ginamit nila’ng exposure para nga isulong presidential bid ng dating Mr. Palengke turned, Padyak King.  

    Batay kasi sa AGB Nielsen rating, hindi nga nakatulong ang announcement nina Mar at Korina sa rating ng Wowowee noong Sabado (April 25).  Mula kasi April 21 hanggang 24, naglalaro sa 19.5 percent hanggang 20.6 percent ang rating ng programa ni Willie. 

    Pero sumadsad ito sa 18.3 percent noong April 25 nang mag-guest sina Korina at Mar.

    Ibig kayang sabihin ay maraming viewers ang na-turn-off sa pag-guest nina Mar at Korina sa Wowowee at lumipat sila sa Eat Bulaga? 

    At bukod  sa hindi nila natulungang tumaas ang rating ng Wowowee ni Willie Revillame noong Sabado kahit pa umiyak sa programa si Sen. Roxas sa harap ni Korina, nasabayan pa ito ngayon ng biglaang pagpapakasal nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa Batangas noong Martes.

    Ayun nalunod at natalo sila sa mga engrandeng balita tungkol sa bagong kasal.

    Hindi kay karma ito ng dalawa at ng Wowowee dahil merong babaing umiyak dahil inargab
    yado nga siya ng pagkakataon?
      

    Ito si Kris Aquino na umiyak pa at nagsabing parang “nagamit” lang sila ni Boy Abunda dahil matapos nilang alagaan ang istoryang ito nina Mar at Korina ay sa Wowowee  ginawa ang kanilang announcement.

    And how true na may isyu na tila hindi sang-ayon si Willie na ginamit na venue ang Wowowee  sa announcement nina Korina at Mar?

    Hindi nga naman kasi showbiz o political talkshow ang programa niya.

    Pero, dahil kilalang pang-masa ang kanyang programa at kabilang sa shows ng Dos na mataas ang rating, kaya marahil iyon ang ipinagamit for the purposes of the “announcement” at hindi ng eleksyon.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here