Malaking pera ang dahilan kaya pinag-aagawan ang Pambansang Kamao

    456
    0
    SHARE
    Halatang hindi pinag-iisipan ni Manny Pacquiao ang mga importanteng desisyon sa kanyang buhay. Para sa kanya, kung saan may malaking pakinabang, doon na lang at wala ng iba.

    Take note na yung desisyon niya na muling lumipat sa ABS-CBN ay done in haste, kaya ayan, publicly ay po pinagsisisihan na niya.

    Maraming palusot si Manny pero hindi yan binibili ng publiko. Na kesyo raw pinag-usapan nila ng ABS-CBN na hindi pa dapat i-air yung kanyang announcement gayung malinaw kung ano ang nakasaad sa mensahe niya. Na kesyo pinakiusapan daw niya ang network na ‘wag munang i-air yun habang hindi pa malinaw ang lahat sa usapan nila.

    Pakiulit nga! Ano naman kasi ang hindi malinaw sa statement niya? Di ba siya mismo ang nagsalitang Kapamilya na siya at kahit kailan di na aalis sa naturang network?

    If we know, naghahanap ng mas malaking pakinabang si Manny pero dahil nga binding yung kontrata niya sa Solar Films na tinangka niyang balewalain, ayun nagpadalus-dalos siya. Inakala yata niyang ni Manny pacquiaoat makalulusot sa ginawa niya.

    Pero ayan, dahil may impluwensiya rin naman ang Solar Films, tameme si Pacquaio at napilitang muling bumalik sa itinakwil naniya.

    Ano, Manny, masarap bang muling kainin ang suka mo?

    Heto na ngayon , balik na sa GMA-7 ang airing matapos makipag-negotiate ni Manny sa ABS-CBN at pumirma ng kontrata.

    Humingi ng dispensa ang People’s Champ sa kaguluhang nangyari na dulot daw ng hindi nila pagkakaintindihan ng Solar Sports.

    Napatunayan nga kasi na valid and binding ang kontrata, kaya hindi na natuloy ang negosasyon sa ABS-CBN.

    Nagpahayag naman ang ABS-CBN na nirerespeto nila at naiintindihan ang desisyon ni Pacman at hangad nila ang magandang resulta ng laban nito kay Hatton.

    Sari-saring reaksyon tuloy ang publiko. May nagtatanong kung hindi raw ba inintindi ni Pacman ang kontrata sa Solar bago nakipag-deal sa ABS-CBN.

    Of course, kung may kontrata pa pala siya sa Solar, hindi talaga siya puwedeng makipag-deal at pumirma sa iba, otherwise, demanda talaga ang aabutin niya.

    Ganu’n lang naman kasimple ’yon. Ewan lang kung bakit nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang MP Productions at ang Solar hinggil sa bagay na napakadali namang intindihin.

    Nagpakabobo ba si Manny at ang mga tao sa paligid nila dahil sa sobrang laki ng in-offer sa kanila ng Dos?



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here