“Wala po talaga sa ngayon, kami lang dalawa ang laging magkasama. Nagkakasundo po kami sa lahat ng bagay. Isa lang po naman ang ayaw namin pareho, ang magsinungaling. Ako, kung ano ako, hindi po ako natatakot na ipakita sa kanya ang totoong ako, kasi hindi siya mapanghusgang tao, kaya nasasabi ko ang lahat sa kanya, wala po akong inililihim sa kanya. Kay Dong, ang sabi ko lang sa kanya, sabihin niya ang lahat sa akin, masama man o mabuti, maiintindihan ko siya, huwag lang siyang magsisinungaling. Kaya kilala na po talaga namin ang isa’t isa.”
True ba na aamin na sila ni Dingdong Dantes?
“Hindi po totoo iyon. Ayaw naming magpa-pressure, kung anuman po meron kami ngayon, hindi namin alam kung saan iyon tutuloy, ang mahalaga po, happy kaming dalawa.”