Nitong huli, mismong si Katrina na ang nagsasalita, tutal naman daw, nakapagpatayo na siya ng kanyang mga dreamhouses,one in the metropolis at isa yung sa Palawan where she hails, mas gusto raw niyang mamuhay na lang ng tahimik sa kanyang bayan sa Palawan.
Anway, kahit na sinasabing magre-retire na si Katrina, patuloy pa rin naman ang pagdating ng mga projects kasabay pa ng mga intriga.
Kung matatandaan, pinakamabigat na pinagdaanan ni Katrina yung panggagamit sa kanya nina Vicki Belo at ng kulakadidang nitong si Hayden Kho. Halata na sinadya ng dalawa na gamit-gamitin si Katrina for their own personal gain. Yung mga di dapat na ibulgar, binulgar ng dalawa at heto ngayon, sikat silang bigla sa showbiz.
Anyway, totoo yung ksabihang you cannot put a good man down. Kahit na ano pang mga sitsit ang ikinalat ni Vicki Belo, ayan si Katrina at nakatayo pa rin. In fact, higit pa ring mas sikat at kinikilala kesa kina Vicki Belo at Hayden Kho. Di ba, Ms. Vannity?