Sa panig ni Katrina, ayaw na niyang bigyang-dignidad ang aniya’y pinaglumaang isyu ng mga reporter.
Hindi na rin gustong pag-usapan ni Katrina ang pahayag ni Vicki Belo tungkol sa video diumano ng aktres at ni Dr. Hayden Kho. Bagamat si Vicki na mismo ang nagsabi na walang sex video sina Katrina at Hayden, may mga bagong rebelasyon na naman ang doktora kung ano-ano ang mga napag-usapan nina Katrina at Dr. Kho sa napanood niyang mga video.
“Nasabi ko na po lahat ang gustong sabihin sa isyu, wala na po akong idadagdag. Hindi na rin po ako sasagot kasi para sa akin, tapos na ito. Bakit kailangang ungaktin palagi?”
Sobrang yabang…