Bading pa ang BF???
    Princess Ryan kontrabidang intrimitida

    496
    0
    SHARE
    “Wala naman po akong magagawa kung kontrabida ang roles na ibinibigay sa akin, siguro po nakikita nilang kaya kong gawin ang mga ganitong uri ng roles kaya sa akin nila ipinagtitiwala,” walang gatol pero nakangiting sagot sa amin ni Princess Ryan nang ususain sa kanya kung hindi siya natatakot malinya samga roles na kontrabida.

    Nagkasunud-sunod kasi ang mga kontrabidang characters na naibigay sa magandang dalaga.

    Siya ang kontrabida ni Cristine Reyes sa Eva Fonda ng ABS-CBN at sobrang taray naman ng character niya sa Lipgloss sa Shake Mo TV mo TV5. At kung magpapatuloy na ganito ang mga roles na naibibigay kay Princess Ryan, sa opinyon ng karamihan, baka kasi magkaroon na siya ng tatak- kontrabida.

    “Ayoko pong tumanggi sa grasya, pinasok ko po ang pag-aartista kaya pinangangatawan ko na ito, bida man o kontrabida, basta kikita naman ako, o kaya naman nakatutulong sa career ko, okey lang po.

    “Kung nakikita naman po nilang nagagawa ko yung mga roles, baka naman po sakaling sa ibang pagkakataon, matoka naman ako sa pagiging bida. Ako po kasi, sabi ko nga, trabaho ang hinahanap ko, pero mas matutuwa ako kung ibi-build up nila ako bilang bida,” umaasang sabi pa niya.

    Pero walang duda na perfect material si Princess Ryan para sa showbiz. Nasa kanya na yung mga katangian ng isang artista. Maganda, maputi, sexy, matangkad, at higit sa lahat, multi-talented.

    Bukod nga kasi sa magaling siyang umarte at napatunayan nga niya ito sa mga tv projects na sinalihan na niya ay may ibubuga rin naman sa pagkanta at pagsayaw ang mestisahing baguhan.

    “I am more on singing, pinangarap ko pong maging singer, bata pa lang ako, dito po sana ang concentration ko, pero okey lang din po sa akin na magsayaw, nag-aaral po ako talaga nito,” sabi pa nito.

    Noong Sunday, nai-display na ni Princess Ryan yung talento niya sa pagsayaw. Siya ang wagi sa kanilng tatlong kontrabidang sumali sa Shall We Dance, isang talent show sa TV5. “I did all I could. Ang galing ng mga kalaban, pero mahusay yung kapartner ko. Nadala niya ako talaga kaya na-inspire ako to go on. Baka po yun na’ng simula, talagang binigyan ko ring equal priority yung pagsayaw ko. I realized now that I can really dance at importante po ito para masabing versatile ko,” medyo kimi pero may bahid pagmamalaking salita pa ni Princess.

    At siyempre, hindi puwedeng di maungkat ang kanyang lovelife. Open na kasi ang relasyon nila ni Alwin Uytingco at talagang very vocal sila pareho in saying that they really love each other. May naniniwala kasing baka sa halip na maging inspirasyon, ito pa ang maka-abort ng budding career niya.

    “Hindi po namin gagawin yun, it just happens na pareho kaming in love, but we are both focus on our career as actors. Hindi naman po kami all the time na lagging magkasama, we both have individual dream to pursue at nagsusuportahan lang po kami,” sersyosong sabi pa nito.

    Kung nalilnya si Princess Ryan sa pagiging intrimitida sa mga roles niya, si Alwyn naman ay sa mga gay roles nasasabak. Hindi ba siya nababahal na baka matatakang bading si Alwyn? Binibigyan ba niya ng career advice ang boyfriend niya?

    “Hindi po talaga kami nagpapakialaman sa career. Yung sa akin, sa agin, yung sa kanya, sa kanya yun.

    “But I believe na magaling na actor si Alwyn kaya kaya niya talaga yung mga gay roles. Kahit po naman pag lalaki yung role niya, nakakaya rin niya.

    “Kung ini-insinuate naman nilang bading ang boyfriend ko kaya magaling siyang mag-tackle ng gay roles, sinisiguro ko pong mali yun. Alwyn is all male 100 percent at paninidigan ko ‘yan,” natatawa pero nagmalamaking pagwawakas pa ni Princess Ryan.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here