Ara Mina nakipagtorohan kay Allen Dizon

    1053
    0
    SHARE
    Idinaos ng ATD Films ang announcement sa paggawa nito ng pelikulang Marino noong isang araw sa Golden Fortune Seafood Restaurant along T. M. Kalaw in Ermita, Manila.

    Except Emilio Garcia na nagkataong may taping that day, buo ang casting ng pelikulang kasalukuyang isini-shoot sa Bangkok, Thailand.

    At the helm of the film is Ateneo alumnus Paul Sta. Ana, a Cinemalaya regular.

    Banner carrier ng movie sina Ara Mina at Allen Dizon na naunang nagsama noong 90s sa pelikulang Curacha, Ang Babaing Walang Pahinga. Both were newcomers that time kaya okey lang na tinanggap nila yung movie na ipinakitang nagtorohan ang dalawa. Natatawa na lang si Ara kapag naalala kung gaano kahirap yung eksena ipinagawa sa kanila ni Direk Chito Roño.  Para kay Allen naman, isa yong binyag sa apoy kaya memorable din ito sa kanya.

    Bukod sa dalwa at kay Emilio Garcia, kasama rin sa powerhouse cast movie sina Marco Alcaraz, Holy Reyes, Lui Manansala, Jaja Gomez, Mike Tan, Bangs Garcia, Jan Nieto, at Rico Barrera. 

    And speaking of Allen |Dizon,  never daw itong natuksong na mag-produce ng tinatawag na gay films, pelikulang sa kabaklaan umiikot ang tema. Ito ay sa kabila ng sunud-sunod na paghataw sa takilya ng mga ganitong klaseng pelikula.

    “I have nothing against gay films, pero sa rami ng gumagawa, bakit pa kami makikisabay?” sabi ni Allen.

    “Kaya kami natagalang mag-decide sa next project. We want to be different. Gusto ko, maayos ang production values at socially-relevant ang tema, gaya ng Marino at Dukot (Desaparecidos). Independent films, pero mainstream in production values, stars, and promotion.”

     Ani Allen, “First course ko sa college ang Marine Engineering sa PMI [Philippine Marine Institute]. Kahit one semester lang ako dun, marami akong natutunan sa buhay-seaman. Kung hindi ako nag-artista, baka seaman ako.”

    Kukunan ang nasabing pelikula sa mga bayan ng Paombong at Malolos sa Bulacan.

    Si Jan Nieto ang aawit ng theme song ng Marino na “Bakit Kailangang Lumayo?” na isinulat ni Ogie Alcasid.

    Pagkatapos ng Marino, isusunod na ni Allen ang Dukot (Desaparicidos) sa direksiyon ni Joel Lamangan. Sinusubukan nilang kunin ang serbisyo ni Iza Calzado bilang partner ni Allen.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here