Heart Evangelista di puwedeng mabuntis at manganak

    495
    0
    SHARE
    Nakatatawa naman yung rason na binigay ni Heart kung bakit nag-back out siya sa Muling Buksan Ang Puso. Sila sana ni Dennis Trillo ang magtatambal sa afternoon soap pero last minute, nagdesisyon si Heart na wag nang ituloy ang paglabas dito.

    Siyempre, nalungkot si Dennis Trillo lalo na nga’t may mga malisya yung umiikot na isyu na siya mismo ang inayawan ni Heart. Kumalat din kasi yung balitang sobrang makulit si Dennis noong nagtambal sila ni Heart, na niligawan nga niya ito, kaso nga, walang gusto sa kanya si Heart kaya basted agad siya.

    Pero hindi naman yan ang binigay na rason ni Heart. Okey lang daw sa kanya na makatambal si Dennis Trillo kaya lang, ang manager niyang si Annabelle Rama ang nagdesisyong umalis na lang sa afternoon soap at maghihintay na lang sila ng primetime soap gaya ng Luna Mystica. Sa tono ni Heart, minamaliit niya yung daytime slot kaya payag siyang ‘wag na lang sa Muling Buksan Ang Puso.

    Isa pang dahilan ni Heart, di raw gusto ng kanyang endorsement yung role niya sa Muling …. Manganganak daw kasi siya rito at inaakala niyang makasisira ang role na ito sa produktong ine-endorse niya.

    Well, maaaring true ang mga tinuran ni Heart pero di po kami makapaniwala. Higit na malalim ang kanilang dahilan kesa sinasabi niya ngayon.

    Hindi kaya?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here