Ito yung joke ni Ai Ai noon na isoli na lang ni Kris si James sa nanay niya kaugnay ng kontrobersya nina James at Hope Centeno noon. Labis na nagdamdam si James kay Ai Ai at mula noon, hindi na naging maganda para kina Kris at Ai Ai ang lahat.
Kaugany nito, nagsalita raw si Ai Ai na kapag nag-guest si Kris sa bagong show nila ni Ruffa sa Dos, di ito aaten. Meaning, hanggang ngayon, maigting pa rin yung isyu kay Ai Ai.
Kapag si Ai Ai naman ay nasa The Buzz, nagkukulong lang daw si Kris sa dressing room. This simply means na ayaw pa ni Kris na batiin si Ai Ai, kahit lagi nitong sinasabi na silang dalawa ni Ai Ai ay walang problema. Si James daw ang kaaway ni Ai Ai, kumbaga.
Anyway, ayaw namang pakialaman ni Boy Abunda ang away ng dalawa. Kilala daw kasi niya’ng dalawang alaga at batid niyang baling araw, maaayos daw ito. “Wag nating ipilit ngayon, di pa panahon,” sabi pa ni Boy Abunda.


