X-Rated ang movie niya…

    669
    0
    SHARE

    X-rating ang binigay sa Walang Hanggang Paalam, movie ni Lovi Poe.

    Dahil dito, nababahala ang baguhang aktres dahil nga very wholesome ang image niya yet, ganoon nga’ng verdict ng MTRCB.

    “Sinabi nga ng manager ko na ang objectionable daw, pinalalabas ng movie namin na okey lang ang incest,” pagdidipensa ni Lovi kaugnay ng kontrobersya sa dalawang magkasunod na X-ratings na naibigay rito.

    “I don’t think ganoon ang pagkakaintindi ko roon. Pero, sana, mai-defend na mabuti ang stand ng movie. Hindi naman sa umiyak ako, pero I’m a bit affected. Marami na kasi ang nagtatanong sa akin, anu-ano raw ba ang ginawa ko sa movie at na-X. Baka raw nagpa-sexy na rin ako,” napapailing na sabi ng dalaga.

    Inaamin ni Lovi na medyo mature na para sa kanya ang role, pati na ang theme ng indie film kung saan kasama niya si Jacky Woo, na gumaganap na ama niya at nagkaroon nga sila ng incestuous affair sa istorya.

    “Yun lang ang pagkakaintindi ko sa istorya,” sabi pa ni Lovi. “I fell in love with the story. Pinag-aralan kong mabuti. Wala naman akong gagawin na alam kong pagsisisihan ko, and I didn’t go bold. Hindi ‘yan ang path na gusto kong puntahan sa pag-aartista ko.

    “Alam ko ang reputasyon ng mga direktor ng movie, talagang nirerespeto ang mga trabaho nila sa indie cinema. Kaya I got so shocked na ganito ang nangyari.

    “Nakakahawa ang pagiging passionate nina Direk Paolo at Ellen, at saka gumawa sila ng paraan for me to get really into the character.

    “It’s a change na gusto ko, pero hindi naman yung dahil bold na at nagpapakita na ako ng flesh. I’m not saying na mali yun, pero malinaw sa akin kung bakit ko tinanggap ang movie.

    “I’m the kind of an artista naman who wants to be different, and I want to be taken seriously. Ayoko namang maging pa-tweetums forever, o sweet roles ang naibibigay sa akin.

    “Sa TV, naka-portray na ako ng sweet, may times na nagkontrabida ako, and it’s just okay with me. I’m a bit mature in Walang Hanggang Paalam. I’m happy doing these things, pero talagang hindi ko ini-expect, magiging X-rated ang pelikula,” sabi pa ni Lovi.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here