Charice Pempengco minamadali ng Star Records

    403
    0
    SHARE
    Halatang sobrang bagal ng pagsikat ni Charice Pempengco. Na kahit na anong gawing publicity slant ng Star Records, tila hindi ito kinakagat ng publiko.

    Kasi nga, hindi naman exceptional yung galling niya sa pagkanta. Sobrang dami ng mga batang kagaya niya’ng mahusay bumirit. Yun bang sa isang magaling na singer, kailangang merong ‘it’ o x factor para magustuhan ng publiko.

    Si Nora Aunor noon, tinaguriang may golden voice. Kinagat, dahil nga may ‘it’ sa publiko. Si Sharon Cuneta, hindi naman ganoon kagaling pero talagang may panghalina siya kaya sumikat. Si Sarah Geronimo, may paawa effect. May style pa sa pagkanta, may sariling istilo na kanyang kanya lang.

    At higit sa lahat, pa-low profile, ‘di gaya ni Charice, mukhang ang taas ng tiklap. Tila ayaw paabot sa sobrang kaek-ekan ng kanyang mga rah rah gays.

    Marami pang iba na kasing-galing din ni Charice, walang recording outfit kaya hindi napapansin. E si Charice Pempengco, bakit sa kabila ng suporta ng Star Records, lagging andyan lang, parang trying hard at pilit ang dating?

    Pilit kasi, gay-gaya lang sa style, plakang–plaka. Isa pa, hard sell masyado yung pag-build up sa kanya na gusto yatang gimbalin ang taumbayan. Na kesyo gusto ni o ni ganito.

    Ngayon, kesyo kakanta raw sa Barrack Obama inaugural. Sa’n naman kaya? Ang palusot, marami naman daw inaugural ek ek. At kung hindi kasam, sa main inaugural ek, sa iba raw kasama.

    Yun at kung anik anik pang mahirap paniwalaan. Kaya tuloy, ayaw namin kay Charice. At siguro, ng iba pang reporter. Masyadong hard sell. Sa true lang, kulang naman talga sa tunay na talento.

    Take note, Kathy Solis.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here