Ayon nga sa statement ng isang kasamahan sa trabaho na siyempre, may halong pagbibiro lang nito, tiyak na nag-OPM angbadignnaexec sa lalaki na pasisikatin niya ito gaya ng ilang lalaking nagdaan sa kanyang mga palad. “OPM Queen yang baklang yan,” mahilig dumikit sa mga galing sa mahirap na pamilyang mga nag-aartista. Mas madali kasing mabola’ng mga yan, kumakagat agad sa pain. Sa bagay, binabago naman niya’ng kanilang buhay, binibihisan, binibigyan ng luho, malay, baka mapasikat din niya’ng isang ito.
Hindi na po namin pakahahabaan ang item na ito, suffice to say na maimpluwensiya’ng bading at kayang-kaya talagang pangatawanan ang kanyang mga ipinangako.
Basta wag lang siyang pag-iinitan ng ibang powers-that-be ng network na baka isang araw, mapuruhan at matanggal sa pagiging exec. When that time comes, may mabola pa kaya siyang mga guwapong gusting mag-artista?