Imposibleng magkarelasyon sina Alyssa Alano at Joey de Leon

    577
    0
    SHARE
    SIMULA nang lumabas ang mali-maling pagkanta ng Kiss Me ni Alyssa Alano ay unti-unting  nagkaroon ito  ng puwang sa industriya ng showbiz. Kung dati  ay dinadaanan lang ng kamera ang dating miyembro ng Vivahotbabes eh, ngayon ay tinututukan na siya ng TV cameras.

    At dahil din sa pamali-maling English ni Alyssa, pumatok ito at lalo na nang itambal siya kay Joey de Leon sa isang segment ng showbiz talkshow na Startalk.

    Pero, sa kabila ng tinatamasang tagumpay ni Alyssa, mukhang wala yatang nali-link sa kanya ngayon.  Ang pagli-link naman kina Alyssa at Joey de Leon ay tipong hard-sell.  So, walang naniniwalang may relasyon sila.

    Lately, balitang   may isang lalaking may mataas na katungkulan sa gobyerno ang nakaka-date ni Alyssa.  Tsismis na madalas makita sa isang restobar sa Quezon City ang dalawa.   At ito nga ay pinapuntahan namin sa aming  ‘spy’ para ma-confirm.  

    Nang mag-report sa amin ang aming ‘spy’ nakita raw nitong totoo ang tsismis and in fact, very sweet sa isa’t isa sina government official at Alyssa.          Sa pag-iimbistiga raw ng aming ‘spy’ nalaman nitong  pinsan ni Pres. Gloria Macapagal-Arroyo ang ka-date ni Alyssa.  Ang name daw nito ay Atty. Wilhelm Soriano, Commissioner ng Human Right.

    Ang tanong ngayon magsyota na ba ang dalawa o nanliligaw pa lang si Atty. Soriano kay Alyssa?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here