Ngayon, may kanya-kanya na silang pamilya at buhay and it is obvious na mahal nila ang kanya-kanyang partners in life.
Pero alam ba ninyong nagseselos pa rin pala si Lucy kay Sharon Cuneta. Kailan lang, Richard gave an interview at ito ay sa lie detector test portion sa Showbiz Central.
Sa shooting ng new movie mo with Sharon, matagal kayong magkakasama on location sa Mexico . Kabado ka bang magselos ang misis mong si Lucy Torres dahil dito?
Nagsinungaling si Richard.
Nang mag-propose ka raw kay Lucy, sa takot mo sa parents niya, bigla ka na raw lang umalis nang hindi man lang hinaharap ang parents niya?
Nagsinungaling na naman siya.
Iisa lang daw ang kinatatakutan mo: si Lucy? He said yes and it’s true. He said he’s scared to lose her.
You and Lucy trust each other pero nahuli ka nga ba ni Lucy na may ka-text mate na ibang chick?
He said no and again, it’s a lie.
Noong single ka pa, pinaiyak ka na ba ni Nadia Montenegro nang maging mag-MU kayo?
He said yes and it’s true. He said he was surprised when he saw Nadia “na may kasama nang iba, si Benedict Aquino.”
Noong mag-break kayo ni Dawn Zulueta, tinapon mo nga ba sa ilog ang mga alahas na bigay mo sa kanya? He said he cannot remember it at all. Sa lahat ba ng naging girlfriend mo, you were hurt the most sa breakup n’yo ni Dawn?
Oo ang sagot at tama ito.