Marian Rivera may dalang malas kay Dingdong Dantes

    489
    0
    SHARE
    Mukhang apektado ng pakikipagrelasyon ni Dingdong Dantes kay Marian Rivera ang kanyang popularidad. Umakyat sa kaitaasan si Dingdong sa panahong silang dalawa ni Karylle. Kumbaga, sinuwerte lang nang husto si Dingdong dahil nga sa dating siyota niya. His career zoomed once Karylle was his girlfriend. Now that their relationship is over, is it the beginning of the   end for his charmed career?

    Malinaw na flop ang One True Love kahit na heavy ang publicity nito. Kumbaga, ‘di yata nagustuhan ng taumbayan ‘yung mukhang inapi ni Dingdong at ni Marian ang anak ni Zsa Zsa Padilla kaya maagang nakarma ang dalawa.

    Sa true lang, ang tunay na barometro ng kasikatan ay ang box-office at ‘di ‘yang ratings game na ‘yan na masyadong binibigyan ng importansiya. Sa movies, nagbabayad ang tao para lang suportahan ang mga idolo nila pero sa tv, libre lang  kaya maagang nalalaos ang mga tv stars. Kahit magtanong pa kayo kay Ethel Booba.

    Isa pang dahilan kung bakit mamalasin talaga si Dingdong ay dahil sa sobrang kaplastikan niya sa ilang movie press.  Marami ang nagtatampong press kay Dingdong dahil nga sa pang-iisnab nito sa kanila sa kanyang  pa-press party noong isang araw. Gayung nangako naman si Dingdong mismo sa ilang taga-press na sinisiguro niyang maiimbita sila, pero pagdating ng party, nagtatanungan ang karamihan dahil nga like last year, hindi rin sila binigyan ng importansya ni Dingdong.

    Kaya abangan natin ang maraming negatibong komento dahil sa pang-iisnab ni Dingdong sa kanila.

    O baka naman walang kinalaman si Dingdong? Baka naman ‘yung mga nagdudunung-dunungang nakalapigd sa kanya ang may pakana ng ‘di pag-iimbita ni Dingdong sa ibang press people.

    Hindi kaya, Mell Navarro? 

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here