Naging dambuhala na naman si Sharon Cuneta

    473
    0
    SHARE

    Mukha yatang ‘di  na naman mapigilan sa kusina ang megastar na si Sharon Cuneta. Aba, the last time we saw here, hitsurang baby balyena sa laki ng katawan niya. And the culprit, I suppose sa biglang paglaki na naman niya ay sobrang lakas ng pagkain. Alangan naman kasing tataba na lang basta nang hindi naman nag-i-indulge sa sobrang pagkain.

    Anyway, may panahong nag-reduce na si Ms. Cuneta at ‘yun ang time na ginagawa niyang  pelikulang Caregiver na tiyak na makakopo ng mga awards sa susunod na taon. Sharon was at her best in that movie kaya halos tiyak nang siya rin ang makakopo ng Best Actress award.

    Balik sa sobrang katabaan ni Sharon, hindi kaya puwedeng ibalik niya ‘yung dating katawan niya, ang sagwa kasi niyang tingnan both in photos at sa television. To think na hindi pa naman nawawala ang mga fans niya na lagging handang sumuporta sa kanya. Ms. Sharon should realize that she is still very much in the league at kung ganyang mataba siya nang sobra. baka tabangan sa kanya ang mga fans niya.

    Take note, may special guest appearance si Sha sa Iskul Bukol nina Tito, Vic & Joey and it is almost possible na ito ang magwawagi bilang panguna sa takilya this Christmas festival. Sa rami ng taong makakapanood kay Sharon in this movie, ganoon din karami ang mate-turn off sa kanya. Paano nga kundi na nila suportahan ang megastar dahil sa sobrang taba nito, di ‘ba lugi siya?

    Isa lang naman ang formula para pumayat at hindi maging dambuhala. Hinay-hinay lang sa pagkain, ‘di po ba?

    Kay Sharon Cuneta, magdiyeta ka naman para hindi ka magmukhang balyena.
    Hindi ba, Pete Ampoloquio?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here