SA PAGKALUNOD NG 7 ISTUDYANTE
    BulSU hinamong maging patas sa paglalabas ng impormasyon

    645
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG MALOLOS— Sana ay maging patas ang Bulacan State University (BulSU) sa paglalabas ng impormasyon.

    Ito ang naging pahayag ni Erwin Valenzuela, pangulo ng Adventours Xchange, ang travel agency na nanguna sa pagsasagawa ng filed trip ng mga mag-aaral ng pamantasan kung saan pitong estudyante ang nasawi noong Agosto 19.

    Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagbigay ng pahayag sa media ang Adventours Xchange, isang linggo matapos ang trahedya. Samantala, nilinaw ng pamantasan na wala silang kinikilingan sa pag-iipon at paglalabas ng impormasypn at iginiit din na ilang araw nilang tinangkang makausap ang pamunuan nito ngunit hindi agad nakipag- ugnayan sa kanila.

    Kaugnay nito, nailibing na kahapon si Mary Magdaline Navarro, ang ika-anim na biktima ng trahedya sa bayan ng Hagonoy, at ayon sa mga kaaanak nito, naghihintay din sila ng resulta sa isinasagawang imbestigasyon ng BulSU at ng Commission on Higher Education (CHED).

    Noong Lunes ng hapon, humarap si Valenzuela sa mga mamamahayag at ipinaliwanag kung bakit di sila agad nakipag-ugnayan sa BuLSU. Ayon kay Valenzuela, na-trauma din siya at nagpagaling ng ilang araw. “Biktima din ako at survivor noong trahedya, dahil ako man ay natangay din ng tubig nung tangkain kung sagipin yung mga estudyante,” ani Valenzuela.

    Ang pahayag na ito ay kinumpirma naman ni Diolo Nino Santos, isang mag-aaral na nakakuha ng larawan ilang segundo bago tuluyang tangayin ng malakas na ragasa ng tubig ang mga mag-aaral na nasawi. Ayon pa kay Valenzuela, kinailangan niyang magpagaling bago humarap sa binuong fact-finding committee ng BulSU.

    Bukod dito, iginiit niya na hindi agad nila natanggap ang paanyaya na dumalo sa pulong ng crisis committee at fact-finding committee. Para naman kay Dr. Mariano De Jesus, pangulo ng BulSU, nauunawaan nila ang naging kalagayan ni Valenzuela, ngunit iginit niya na dapat ay may nakipag-ugnayan agad sa grupo nito sa pamantasan upang malinawan ang mga kaganapanan sa trahedya.

    Ayon pa kay De Jesus, wala silang kinikilingan sa pagii-pon at paglalabas ng impormasyon dahil ang hangad nila ay ang katotohanan. Ito ay bilang tugon sa pahayag ni Valenzuela na dapat maging patas ang pamantasan sa paglalabas ng impormasyon.

    Ayon pa kay Valenzuela, lumalabas na sila ang nasisisi sa naganap na trahedya dahil hindi pa sila nakakausap ng BulSU ay nagpalabas na ito ng impormasyon. Ngunit ayon sa Bul-SU, ikalawang araw pa lamang matapos ang trahedya ay tinatawagan na nila ang Adventours Xchange upang magpaliwanag sa naging kaganapan.

    Ngunit hindi agad tumugon ang Adventours at idinahilan na nagpapagaling pa si Valenzuela.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here