Promdi list

    653
    0
    SHARE

    Kay tagal na inabangan ng marami ang paglabas ng “Napo List” o listahan ng mga opisyal ng gobyerno na diumano’y nakinabang sa anomalya sa pork barrel. Excited daw sila na malaman kung ang kanilang ibinotong kongresista at senador at kasama sa “Napo list.”

    Pero sabi ng maraming Bulakenyo, hindi na kailangan ang “Napo list” para malaman kung nakasama ang ibinoto nilang kandidato sa mga ngadaang halalan. Masdan na lamang daw ang kalagayan ng Bulacan at malalaman mo na. Parang teleserye ang paglalabas ng “Napo list.”

    Ipinangakong ilalabas, pero inantala, tapos ay nagpalabas ng subpoena ang Senado upang mapilit na ilabas ito.

    Kaso, ang dami na palang bersyon ng Napo List. May Ping List mula kay dating senador Panfi lo Lacson, may De Lima List mula kay Justice Secretary Leila De Lima. Meron ding Cam List mula kay Sandra Cam ng Whistleblower Association, at siyampre mayroon ding PNoy List na diumano’y hawak ni Pangulong Benigno Aquino.

    Sa dami ng “list” malamang malisya o maligaw itiong usapin sa Napo list. Ngunit kung ang pagbabatayan ay ang “Promdi List”, lumang tugtugin na yan. Wika nga ni Father Pedring ng Leighbytes Computer Center sa Malolos, “kumita na yan.” Opo, merong ding list ang Promdi.

    Simple lang ang Promdi List,pero kakaiba ito. Ayon sa Promdi List, ang paglalabas ng nanganganak na version ng Napo List ay posiblepang magkaroon ng apo saka mga ninong at ninang. Opo, malaki ang posibilidad na may mga lumabas pang ibang listahan. Sana ay wag ng maglabas ng sariling listahan si Father Pedring.

    Natatandaan po ba ninyo yung “Hello Garci Scandal” tapes noong panahon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ngayon ay kongresista ng Pampanga? Naku, si Father Pedring, tandang-tanda iyon, dahil mas nauna siyang ipinaganak sa marami sa atin.

    Okey, heto ang kuwento ng Hello Garci Scandal tapes, at hindi ito nalalayo ng masyado sa kuwento ng Napo List.

    Una ay umugong at umusok ang usapin hinggil sa Hello Garci Scandal Tapes. Tapos, biglang naglabas ng kopya ng Malakanyang at sinabing, heto ang Hello Garci Tapes. Kasunod nito ay ang paglalabas ng iba pang katulad recording sa pagitan ni dating Pangulong Macapagal Arroyo at mataas na opisyal ng Commission on Elections.

    Kaso, lumabas sa mga sumunod na balita na yung ipinalabas na tape ng Malakanyang ay edited na raw. Pero kakaiba ang Napo list.Mukhang biktima ring “dagdag-bawas.” Ilang balita na ang lumabas na inaakusahan si Secretary de Lima na nilinis day yung listahan niya.

    Sanitized, wika nga. Dahil naman sa hindi magkakatugma ang mga pangalan sa mga listahan, may mga nag-aakusa na dinagdagan ang pangalan ng nakalista doon. Batay sa Promdi List,ang kalagayang ito ay malinaw na halimbawa ng “dagdag-bawas” kahit walang halalan.

    Alam natin na ang “dagdag-bawas” sa halan ay natugunan ng Precinct Count Optical Scan) PCOS machines na ginamit sa nagdaang dalawang automated elections. Dahil dito, may mga nagsasabing, dapat yata ay pinadaan din sa PCOS machine yung Napo list. Kaso di pa naiimbento yung Promdi Corruption List Optical Scan (PCLOS) machines.

    Pero sabi ni Father Pedring, hindi na kailangan ang PCLOS sa Napo List. Xerox Machine at simpleng computer scanner lang daw ang katapat ng Napo List. Pag daw naipa-xerox o naipa-scan ang tunay na Napo List, tiyak na mabilis itong kakalat partikular na social media.

    Kaya siguro mayroon tayong Anti-Cyber Crime law, samantalang hindi mapagtibay ang Freedom of Information (FOI) Bill. Ano sa tingin ninyo?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here