Home Headlines 13-LINGGONG TRAININGSundalong Pinoy nagsanay sa Australia, balik bansa na

13-LINGGONG TRAINING
Sundalong Pinoy nagsanay sa Australia, balik bansa na

522
0
SHARE

CLARK AIR BASE — Dumating na sa bansa ang 124 na sundalo mula sa Philippine Army at Philippine Marines na ipinadala ng Pilipinas upang magsanay sa Australia lulan ng KC 30 Royal Australlian Airforce plane.

Ang mga sundalong Pinoy ay sumalang sa 13 linggong pagsasanay para sa expertise sa paggamit ng mga armas o sandata na angkop sa bawat sitwasyon para ipagtanggol ang bansa laban sa anumang uri ng banta laban sa seguridad.

Isa na dito ay ang pagsasanay para sa mga urban operations gaya ng naganap na sitwasyon sa Marawi. Bakas sa mga sundalong Filipino ang kasiyahan nang makalapag sa Haribon Terminal ng paliparan ng Clark nitong Linggo.

Ayon kay Batallion Commander 92nd I.B LTC Christoper Diaz ng AFP, ang naturang training ay sagot sa prevailing situation dahil nage-evolved na rin ang mga threat sa Pilipinas tulad ng nangyari sa Marawi City na nakipaglaban sila sa urban areas.

Nilinaw din niya na ang pagsasanay ay naisakatuparan hindi lamang dahil sa nangyari sa Marawi City.

Ito rin ay upang ma-improve ang kapasidad ng AFP na lumaban hindi lamang sa tradisyunal na labanan sa kagubatan bagkus maging urban area operation at matuturuan ang mga sundalo kung paano mag clear ang mga bahay, kwarto at buong syudad hindi katulad sa kagubatan na more on maneuvering side ang ginagawa nila.

Sinanay ang mga sundalo kung paano gagamitin ang mga sandata sa tamang lugar gaya ng sa mga kabayanan ang operasyon.

Ayon sa AFP, magiging epektibo ito at kinakailangan ng ating kasundaluhan ang ganitong uri ng kapabilidad sa labanan. Mensahe niya sa mamamayan na patuloy nilang pananatilihin ang kapayapaan maging sa kabundukan, rural area o urbanized area pa.

Ayon naman kay Cpl. Gerard Genito, isa sa sumalang sa pagsasanay, marami silang natutunan sa kanilang pagsasanay sa Australia.

Dala din niya ang mga natutunan sa mga banyaga kung paano pumasok sa lugar na meron nang naka penetrate na mga kalaban halimbawa ng naganap sa Marawi City.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here