OFWs nanguna sa relief fund drive sa biktima ng bagyo

    384
    0
    SHARE

    HAGONOY, Bulacan —Nasa malayo man, hindi sila nakalilimot sa bansa partikular na sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda, at nanguna sa pag-iipon ng pondo na ipangtutulong.

    Sila ang mga Pilipinong nagsisipagtrabaho o nakatira sa ibayong dagat,na nagsagawa ng magkakahiwalay na relief fund drive, na nais namang tapatan ng mga kumpanyang kanilang pinaglilikuran. “Nakalulungkot ang nangyari sa Visayas,” sabi ni Roderick Dela Cruz, isang lead dam safety engineer ng Southern California Edison (SCE) na nagmula sa bayang ito.

    Si Dela Cruz ay nakapanayam ng Punto sa pamamagitan ng Facebook chat noong Biyernes, Nobyembre 15 ng umaga. Sa kabila ng pahayag na ito, sinabi niya na agad na kumilos ang mga Pilipino sa Estados Unidos upang magsipag-ipon ng pondong ipapahatid sa mga nasalanta ng bagyo.

    Ito ay hindi naman nalingid sa ibat-ibang kumpanya, katulad ng SCE na nangakong papantayan ang maiipong pondo ng mga Pilipino.

    Ang pagtugon ng SCE ay inilathala pa nila sa kanilang website kung saan ay inilahad na “to assist the people in the Philippines, SCE’s parent company Edison International will be kicking off a Typhoon Haiyan Disaster Relief Campaign on Nov. 15 in which the company will match each employee-donated dollar up to $25,000.

    The campaign will go through Feb. 28, 2014. There will also be a Facebook campaign through Nov. 21 for the community where Edison International will match “likes” up to $5,000.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here