GK solusyon sa pork barrel scam

    1324
    0
    SHARE

    ANGAT, Bulacan— Maraming sakripisyo at hirap na pinagdaanan sa unang 10 taon ng Gawad Kalinga (GK) ang tagapagtatag nitong si Tony Meloto.

    Ngunit may isang komentong hindi niya makakalimutan kaugnay ng krisis sa pork barrel na kinasasangkutan ng mga senador at ni Janet Lim Napoles na sinasabing utak ng P10-bilyong pagwawaldas sa salapi ng bayan.

    “Sabi nila, Gawad Kalinga ang antidote kay Napoles,” sabi ni Meloto habang nakangiti sa isang ekslusibong panayam ng sa bayang ito. Si Meloto ay nasa bayang ito kaugnay ng apat na araw na Social Business Summit 2013 na nagsimula noong Miyekoles.

    Ang nasabing pagtitipon ay isinagawa kaugnay ng ika-10 anibersaryo ng GK na ginanap sa Enchanted Farm ng GK na matatagpuan sa Barangay Encanto ng bayang ito. Ayon kay Meloto, kung may naging kontribusyon man si Napoles sa bayan sa kasalukuyang panahon, ito ay ang dagdag na kaalalaman kung paano ginagamit ang daan-daang milyong pisong pork barrel fund ng mga senador at kongresista.

    “Ngayon, mas aware ang taumbayan sa pork barrel dahil kay Napoles,” sabi niya. Dahil dito, mas higit na nabibigyan pansin ng maraming Pilipino ang ginagawang pagtulong ng GK sa mga mahihirap.

    Kabilang dito ay ang pagpapatayo ng mga pabahay, at paglikha ng hanapbuhay sa mga mamamayan. Ngunit ang ginagawa ng GK ay taliwas sa pamamaraang ginagawa ng marami, partikular sa pork barrel na diumano ay ginagamit na pantulong sa taumbayan, ngunit ang pondo ay nagmumula sa gobyerno.

    Ayon kay Meloto, ang GK ay hindi humingi ni isang kusing sa gobyerno upang maitaguyod ang mga programa at misyon nito. “We never and we don’t ask money from the government,” aniya at iginiit ang minsan ay naging pahayag ng dating Pangulo ng Estados Unidos na si John F. Kennedy:

    “Don’t ask what your country can do for you, ask what you can do for your country.” Sinabi ni Melotona ang prinsipyo ng pahayag ni Kennedy ay bahagi rin ng kanilang prinsipyo sa pagtulong sa kapwa. Sa katunayan, sa loob ng unang 10 taon ng GK ay umabot sa mahigit 1 milyon katao ang kanilang natulungan, kasama ang mahigit 1 milyong volunteers.

    Bukod dito, lalo ring dumami ang tumutulong sa GK sa pagtataguyod ng mga palano at misyon nito.

    Kabilang dito ay ibatibang malalaking kumpanya. Para naman sa susunod na 10 taon ng GK, inihayag ni Meloto ang planong GK na makatulong sa 5 milyon katao. “Hindi imposible yan, dahil marami at dumarami ang tumutulong sa atin,”sabi niya.

    Iginiit niya na ang GK ay nagsisilbi ngayon na isang malawakang plataporma para sa pagkakaisa ng mga Pilipino. “Mas nakikita ngayon ng marami lalo na ang mga mayayaman at makakapangyarihan na hindi pwedeng iwanan ang mahihirap,sa halip ay dapat tulungan,” aniya.

    Isang halimbawa nito ay ang pagdalo nina Vice President Jejomar Binay, at Education Secretary Armin Luistro at iba pang mataas na opisyal at kilalang negosyante sa bansa at ibayong dagat sa isinawagang Social Business Summit 2013.

    “Kayang kaya, basta walang iwanan,” dagdag ni Meloto patungkol sa kanilang pangarap sa susunod na 10 taon. Ngunit ang pananagumpay ay hindi nakamit ng madalian. Sa panayam, nagbalik tanaw si Meloto sa mga hirap sakripisyo na pinagdaanan ng GK.

    Isa sa mga ito ay ang kawalan ng paniniwala o pagdududa sa plano ng GK. Ang kalagayang ito ay napagtagumpayan ni Meloto at mga kasama, ngunit hindi pa iyon ang pinakamasakit. “Masakit yung hindi sila naniniwala noon una, pero mas masakit yung iiwanan ka ng mga malalapit sa iyo,” aniya.

    Ngunit hindi napigilan nito si Meloto at GK, Sa halip ay nagpursige sila at ipinagpaatuloy ang paniniwala.

    Ito ay tinugon ng maraming biyaya at mas maraming tulong. Sa kanyang paglalarawan, sinabi ni Meloto na ang ginawag ng GK ay isang “expression of love and faith in action.”

    Iginiit niya na “kung mahal natin ang Diyos, dapat mahal din natin ang mahihirap at tulungan natin sila.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here