Malolos Green Covenant nilagdaan

    310
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG MALOLOS — Buong pagkakaisang nilagdaan ng mga tagapangulo ng liga ng mga pamahalaang lokal sa bansa ang kauna-unahang Malolos Green Covenant na inaasahang magisislbing gabay laban sa epekto ng climate change.

    Ang paglagda ay isinagawa sa bakuran ng makasaysayang simbahan ng Barasoain sa lungsod na ito noong Sabado, Setyembre 15 kaugnay ng ika-114-guning taon ng pagbubukas ng Kongreso ng Malolos.

    Ang mga nanguna sa paglagda ay sina Oriental Mindoro Governor Alfonso Umali Jr., ang tagapangulo ng League of Provinces of the Philippines (LPP), Mayor Oscar Rodriguez ng Lungsod ng San Fernando, Pampanga na siyang tagapangulo ng League of Cities; at Paombong, Bulacan Mayor Donato Marcos, ang tagapangulo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP).

    Ang tatlong pahinang kasunduan ay inihanda ni Mayor Christian Natividad ng lungsod na ito sa tulong at paggabay nina Nong Rangasa, pangulo ng Local Climate Change Adaptation and Development Inc.,(LCCAD); at Illac Angelo Diaz, ang patnugot na tagapagpaganap ng My Shelter Foundation.

    Ayon kay Natividad, ang nasabing kasunduan ay ipiprisinta ni Diaz sa United Nations sa Setyembre 23.
    Ngunit iginiit ng alkalde na ang Malolos Green Covenant ay hindi pa kumpleto, sa halip, ito ay paunang hakbang pa lamang.

    Sa esklusibong panayam sa telepono, sinabi niya na ang Green Covenant ay susundan pa ng paghubog at pagbuo sa kauna-unahang Green Constitution ng bansa.

    “Ang plano namin ay ilabas ang Green Constitution sa January 20, kaugnay ng pagdiriwang ng 114 anniversary ng Malolos Republic,” ani Natividad.

    Ang paghahanda sa Green Constitution ay pangungunahan din nina Rangasa at Diaz.

    “We would like to ride on the tide of history,” ani Natividad dahil ang paglagda ay nakasabay ng pagdiriwang sa ika-114 na guning taon ng Kongreso ng Malolos na lumikha at nagpatibay sa Malolos Constitution na nagluwal sa kauna-unahang demokratikong republika sa Asya at Africa.

    Iginiit pa ni Natividad na “if our ancestors came to Malolos as one 114 years ago with the aim of ending the repressive Spanish regime, we come today here with the same fervor to prepare ourselves for the onslaught of climate change.”

    Kabilang sa mga nilalaman ng Malolos Green Covenant ay ang sumusunod: “Focus on sustainable development or the attainment of the quadruple bottom line of environmental, social, economic and climate responsiveness” at “Attainment of the Millennium Development Goals (MDGs) targets for 2015 through fulfilment of the eco-cultural tourism potential of the Philippines as a premier tourist destination.”

    Itinatakda din nito ang “Adoption of the Legazpi Declaration 2010 signed at the first Philippine Tourism conference on Climate Change Adaptation (PTCCCA), which recommends eco-cultural policies for better tourism industry” at “Preservation of cultural and environmental assets, particularly proclaimed cultural heritage sites and properties, protected land and seascapes and wetlands of international importance for biodiversity.”

    Bukod dito, itinakda rin ng Malolos Green Covenant ang “Design and implementation of science-based global, national, local programs and initiatives that will promote utilize climate and disaster proofing measures in restoration and preservation of man-made structures, modification of business practices, design investments and other measures for time and balanced response to climate change.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here