RULES OF COURT
    ‘Probisyong madalas abusuhin dapat rebisahin’

    334
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG MAKATI – Dapat rebisahin ng Korte Suprema ang mga probisyon ng Rules of Court (ROC) na madalas abusuhin upang mapadali ang paglilitis sa mga kaso kabilang ang mga tinutukoy sa pamamaslang sa mgamamamahayag.

    Ang nagkakaisang kahilingan ng 23 mamamahayag na lumahok sa isinagawang Advance Legal Competency Training sa Asian Institute of Management (AIM) Conference Center noong Mayo 31  hanggang Hunyo 1 sa pangunguna ng Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR).

    Kaugnay nito, ipinabatid ni Gob. Esmael Mangundadatu sa Korte Suprema noong Mayo 28 na isa sa mga saksi sa Maguindanao Massacre ay nawawala at pinangangambahang patay na.

    Ang balitang ito ay inayunan din ni Atty. Prima Quinsayas na kumakatawan sa Freedom Fund for Filipino Journalists (FFFJ) sa pagdinig sa mga kaso ng pamamaslang sa mga mamamahayag.

    Si Quinsayas ay isa sa mga tagapagsalita sa nasabing pagsasanay sa AIM.

    Batay sa pagsusuri ng mga abogado, ang mga ROC 65 ay isa sa mga probisyon ng Rules of Court na karaniwang inaabuso ng mga abogado ng depensa.

    Bahagi ng ROC 65 ang mga legal na remedyo tulad ng pagsusumite ng mga serye ng motions for bill of particulars, to quash, and reinvestigation; at petitions for certiorari.

    Ang mga legal na remedy na ito ay karaniwang ginagamit ng mga abogado ng depensa habang tinutukoy ang probable cause o bago masampahan ng kaso sa korte ang inaakusahan.

    Para sa mga abogado ng prosekusyon, ang mga nasabing legal na remedyo ay karaniwang nagiging dahilan ng pagkaantala ng mga paglilitis ng kaso. 

    Iginiit pa nila ang kalagayang ang mga inaakusahan ay mas maraming karapatan sa batas kumpara sa nag-aakusa.

    Inayunan din ito ng mga mamamahayag na lumahok sa dalawang araw na pagsasanay, na karaniwan ay nakapag-kober ng paglilitis ng kaso sa korte.

    Isa sa inihalimbawa nila ay ang paglilitis sa mga akusado sa Maguindanao Massacre noong Nobyembre 23, 2009 kung saan ay 58 katao kabilang ang 32 mamamahayag ang pinaslang.

    “The trial has been stalled by endless hearings on the petitions for bail and numerous motions pending before the trial court and even other courts.

    Over the last two years since the trial began, the proceedings have been delayed again and again by numerous motions and petitions per week.

    At the rate the trial is going, its conclusion is likely to take place in the distant future,” ani ng mga mamamahayag sa nilagdaang pahayag matapos ang pagsasanay.

    Iginiit pa nila na, “speedy and credible outcome of the Ampatuan Massacre is vital to ending the culture of impunity which has driven the killing of journalists, judges, lawyers, human rights workers, and political activists in the Philippines.

    Should the trial continue to drag on, in the process demonstrating that even the vilest crimes are exempt from punishment, not only will the killers of journalists and others from different sectors of the population continue to be encouraged; the erosion of Philippine democracy, or what remains of it, will also accelerate to the further detriment of this country and its people.”

    Ayon pa sa pahayag, “the urgency of preventing this from happening cannot be overemphasized.

    Arresting the process, however, is doable, and among the most immediate remedies is the review of, and subsequent changes in, the Philippine rules of court.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here