Home Opinion ‘Mannerism,’ mahirap alisin

‘Mannerism,’ mahirap alisin

728
0
SHARE

BUWAN ng Julyo, taong dos mil disisyete
nang ipagpaliban ni Digong Duterte
ang ‘barangay polls’ na dapat ay Oktubre
ginanap pero ‘yan ay naisantabi.

At kung saan pagkaraan inihayag
‘in public’ ang NoEl (‘both in print and broadcast’)
na ang iuupong ‘barangay offi cials’
ay DILG ang mag- ‘appoint’ sa lahat.

Mula sa pinaka-Puno ng Barangay,
Kagawad at ibang posibleng mahirang,
ngunit bandang huli ang planong naturan
di natuloy, kaya nabale wala lang.

Itong pinaasa ng ating Pangulo
na ipupuesto ng DILG mismo,
kaya’t hanggang sa mga sandaling ito
di pa rin alam ang kahantungan nito.

Liban lang marahil kung itong patuloy
na pagtuligsa r’yan kay Pangulong Digong
ng di kaalyansa, tigilan na itong
kababanat nila sa adminisrasyon.

Na siyang sa tingin ng nakararami
ay baka higit sa di dapat mangyari,
di malayong gawin ni Digong Duterte,
kapag napuno na sa puro atake.

Kaya nga sa init ng ulo kung minsan
ay kung anu-anong mga magagaspang
na pananalita ang binibitiwan,
kahit sino pa ang kaharap kung minsan.

Pasalamat tayo sa kabilang banda
tayo’y nagkaroon ng katulad niya,
pagkat kung ang naging Pangulo ay di siya
ikatlong bahagi natin ay adik na.

Dala nitong aywan sa kabila riyan
nang pagtutok nitong ating kapulisan,
nitong PDEA at ng ating NBI,
naipapasok pa rin ang gamot na bawal

Ng mga halang ang kaluluwa nila
na sa atin dito nakapagdadala
ng ecstacy at ng iligal na droga
na pinagbabawal ng ating hustisya.

Kung may nasabi man o hindi natupad
na pangako sa ‘tin ang ating masipag
at mabait na Pangulo ay marapat
ipagdasal nating gabayan siya ni ‘God’.

(Na sinasamba nang lahat na Kristyano
at ng mga Muslim din naman siguro,
na iba lang marahil ang tawag nito
sa ‘God’ nila pero posibleng pareho).

At ang ‘God’ ni Digong na baka iyon din
ang kinikilalang katulad ng atin,
dangan nga lang medyo di okey ang dating
sa iba, ang pagkasabi kung suriin.

Nand’yan na kumbaga, ano pa ba kundi
ang tayo ang siyang magtiis sa hapdi?
Unawain na lang natin siyang palagi,
kung may nasabi siyang para sa ‘tin mali.

Huwag nating bigyan ng pagkakataon
na matularan ang ginawa ni Macoy,
sapagkat tayo rin ang daranas nitong
matinding hirap at destabilisasyon.

Ipagkibit balikat na lamang natin
ang anumang bagay na puedeng sapitin;
Kabuntot kasi ng taos na dalangin,
liwanag ang nasa likuran ng dilim!!!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here