Bulacan swimmer handa sa SEA Games, umaasa rin sa London Olympics

    298
    0
    SHARE

    LAKI SA TUBIG.  Sa edad na tatlong buwang gulang, sinimulan ng turuan lumangoy si Jessie King Lacuna (Gitna) ng kanyang ama. 

    Ngayon, si Lacuna ay nasa Palembang, Indonesia para sa ika-26 na South East Asian Games, ngunit umaasa pa rin siya na makakasali sa 2012 London Olympics. Kuha ni Dino Balabo

    MALOLOS CITY—Umaasa pa rin ang Bulakenyong manlalangoy na si Jessie King Lacuna na makakasali sa 2012 London Olympics.

    Ngunit sa kasalukuyan, nakatutok ang kanyang atensyon sa 26th South East Asian Games na isasagawa sa mga lungsod ng Jakarta at Palembang sa Indonesia mula Nobyembre 11 hanggang 22.

    Si Lacuna ay isa sa libo-libong manlalaro mula sa mga bansang Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Thailand, Timor Leste, at Vietnam na magtutunggali sa 48 sports kung saan ay 545 gintong medalya ang nakataya.

    “I’m always thinking about the Olympics but for now I’m focusing in SEA Games here in Palembang,” ani Lacuna sa isang e-mail na ipinadala sa mamamahayag na ito noong Miyerkoles ng gabi.

    Sa kanyang e-mail, sinabi ng 17-anyos na manlalangoy mula sa bayan ng Pulilan na ang tanging layunin niya ay manalo ng medalya sa palarong isinasagawa tuwing ikalawang taon.

    Binigyang diin pa niya na, “what I’m trying to say is, take one step at a time.”

    Ayon kay Lacuna, siya ay nakatakdang makipagtunggali sa 200 at 400 meters freestyle, at maging sa 200 meters butterfly events ng SEA Games sa lungsod ng Palembang.

    Gayunpaman, may posibilidad din na makasali siya sa iba pang swimming events, partikular na sa mga relay kung saan ay apat na manglalangoy ang kalahok sa bawat koponan na magtutunggali.

    Nakatutok man ang atensyon ni Lacuna sa SEA Games, sinabi niya na umaasa rin siya na mapapantayan o kaya ay mababasag niya ang Olympic qualifying time na isang minuto at 48 walong segundo sa 200 meters freestyle event upang masungkit ang puwesto sa paglahok sa 2012 London Olympics.

    Ang pinakamabilis na oras ni Lacuna sa katulad na event ay isang minuto at 50 segundo na kanyang naitala sa Singapore National Games nitong nakaraang Marso.

    Ang nasabing oras ni Lacuna ay ang bagong Philippine record.

    Nitong nakaraang Agosto, lumahok din si Lacuna sa World Championship sa Shanghai, China ngunit hindi niya nalamapasan o napanatayan ang kanyang personal best record.

    Habang nalalapit naman ang tunggalian sa ika-26 na SEA Games, sinabi niya na siya ay nananabik at umaasa na mababasaga ng Olympic qualifying time upang makasali sa 2012 London Olympics.

    “I feel that the SEA Games will be fun, exciting, and awesome,” aniya.

    Hinggil naman sa kanyang mga makakatunggali, sinabi niya na nagsipaghanda rin ang mga ito.

    “We all trained hard for it, it will be a tough race for everyone. I think I am ready as well,” aniya at binanggit na nagsanay siya ng ilang buwan sa isang training camp sa Florida sa Estados Unidos kung saan ay nagwagi rin siya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here