PANALO. Tinanghal na 2011 Lakan at Lakambini ng Bulacan sina Jovet Andrade ng San Rafael at Mariver Ocampo ng Paombong matapos ang isinagawang koronasyon sa bayan ng Plaridel.
Photo courtesy of Lakan at Lakambini ng Bulacan Charities Inc.
LUNGSOD NG MALOLOS – Tinanghal na Lakan at Lakambini ng Bulacan ang isang binatang taga-San Rafael at dalagang mula sa bayan ng Paombong sa katatapos na koronasyon para sa taunang timpalak.
Kaugnay nito, ang dalawa ay posibleng mapabilang sa talent pool ng Star Magic Productions ng ABS-CBN kasama ang tatlo pang kalahok.
Tinanghal na 2011 Lakan ng Bulacan si Jovet Andrade ng San Rafael samantalang nasungkit ni Mariver Ocampo ng Paombong ang korona bilang Lakambini ng Bulacan sa isinagawang koronasyon sa Don Cesario San Diego Gymnasium sa bayan ng Plaridel noong Oktubre 30.
Ang 19 na taong gulang na si Andrade ay mag-aaral ng Systems Technology Institute (STI), samantalang ang 18-taong gulang na si Ocampo ay nasa ikatlong taon ng kursong Pharmacy sa Fatima University.
Bukod sa pangunahing karangalan, tinanggap din ni Andrade ang special awards na Lakan ng Kalikasan; samanatalang tinanggap ni Ocampo ang mga special awards na Most Photogenic, at Manejkom Travel and Tour.
“Marami ang nasurpresa sa panalo nila, kasi hanggang sa huling sandali ay nanatiling sikreto ang resulta,” ani Jo Clemente, ang tagapagtatag ng Lakan at Lakambini ng Bulacan Charities Inc., (LLBCI).
Bukod kina Andrade at Ocampo, pumasok din sa “magic” five ng Lakan at Lakambini sina Clarence Mananguit ng San Ildefonso (1st runner-up), Dennis Pangilinan ng Lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) bilang 2nd runner-up, Danilo Ileto ng San Rafael (3rd) at Wilvert Diaz ng Marilao (4th).
Sa hanay ng kababaihan, tinanggap ni Mary Joy Geronino ng Lungsod ng Meycauayan ang karangalan bilang 1st runner up, kasunod si Ma. Denise Niscell Diaz ng Sta. Maria, at sina Jeslyn Santos ng Hagonoy, at Caraleigh Ico ng Bustos.
Narito naman ang iba pang nagsitinaggap ng mga special awards:
Lakan at Lakambini ng Kalikasan: Jovet B. Andrade ng San Rafael; at Janine Charisse H. Pile ng San Ildefonso.
Peoples’ Choice Award: John Paulo J. Halili ng Bocaue; at Rachel Ann M. Salazar ng Baliuag.
Friendship award: Emmanuel Gabriel S. Reyes ng Paombong; at Angelica Joy G. Gonzales ng Lungsod ng SJDM
Most photogenic: Daryll San Diego Sunga ng Lungsod ng Malolos, at Mariver De Guzman Ocampo ng Paombong.
Radiant Skin award na tumanggap ng tig-P10,000 gift certificate: Dennis Pangilinan Jr.ng Lungsod ng SJDM, at Mary Joy Geronimo ng Lungsod ng Meycauayan.
Manejkom Travel and Tours na nagbibigay ng pagkakataon na makapaglakbay sa anumang bansa sa Asya ng libre: Dennis Pangilinan Jr. ng SJDM, at Mariver De Guzman Ocampo ng Paombong.
Best in swimwear: Robert Paul B. Tuazon ng Plaridel, at Ma. Dennise Niscelle J. Diaz ng Sta. Maria.
Best in talent: Gerald Benedict Caballero ng Plaridel, at Aeronica Denice M. Sumeracruz ng Marilao.
Best in formal wear: Mike Albert P. Gonzales ng San Rafael, at Mary Joy Geronimo-Meycauayan.
Darling of the press: Dennis Pangilinan ng SJDM at Ma. Denise Niscell Diaz ng Sta. Maria.
Bayanihan award: Mike Albert Gonzales ng San Rafael at Angelica Joy Gonzales ng SJDM.
Bukod sa mga nasabing parangal, sinabi ni Clemente na lima hanggang anim na kalahok sa taunang timpalak ang inaasahang pipiliin ng Star Magic Productions upang isali sa kanilang talent pool.
Ang unang lima ay ang 2011 Lakan at Lakambini na sina Andrade at Ocampo, kasama sina Jeslyn Santos, Dennis Pangilinan, at Mike Albert Gonzales.
“We are very proud to be part of their dreams,” ani Clemente at sinabing maraming kalahok sa taunang timpalak ang umaasang ang kanilamg paglahok ay magbubukas ng higit na maraming oportunidad.