NorthRail: Posibleng maging commuter o high-speed train

    316
    0
    SHARE

    MALOLOS—Commuter o high-speed train service.

    Ito ang dalawang posibilidad na maaaring kahinatnan ng naantalang North Railways project (NorthRail), ayon sa mga opisyal.

    Ngunit dapat ng kumilos ang administrasyong Aquino at desisyunan ang magiging kahihinatnan ng nasabing proyekto.

    Ito ay dahil sa ang nasabing proyekto ang nagsisilbing “missing link” sa patuloy na kaunlaran ng  Diosdado Macapagal International Airport’s (DMIA) bilang pangunahing paliparan.

    Bukod sa DMIA, ang iba pang bahagi ng Gitnang Luzon katulad ng Bulacan ay umaasa na matatapos na ang NorthRail para sa higit na kaunlaran.

    Ayon kay Felicito Payumo, pangulo ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA), higit na kaunlaran ang ihahatid ng NorthRail sa Clark Freeport, Gitnang Luzon at maging sa kalakhang Maynila.

    Ngunit mangyayari lamang ito kung ang mga higanteng kumpanya ng eroplano ay ililipat ang kanilang operasyon sa DMIA.

    Iginiit niya na tanging kailangan na lamang ng mga kumpanya ng eroplano ay ang NorthRail na mag-uugnay sa DMIA sa Clark Freeport Zone sa Pampanga at sa Kalakhang Maynila, ang itinuturing na sentro ng kalaklan sa bansa.

    Inayunan din ito ni Ramoncito Fernandez, ang pangulo ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC).

    Ayon kay Fernandez, maging ang MPTC ay interesado sa pagpapaunlad at pamamahala sa operasyon ng DMIA.
    “Our chairman has made a point that we are interested in the Clark Airport to be the next international airport, but together with it is functionality to bring passengers to Manila in a predictable one hour frame,” aniya.

    Ipinaliwanag niya na tanging ang NorthRail project lamang makapagbibibigay ng kahilingan ng mga kumpanya ng eroplano na isang oras na bityahe sa pagitan ng DMIA ay kalakhang Maynila.

    Ito ay kung ang NorthRail Project ay magiging isang high speed train, sa halip na isang commuter train service.

    Ayon kay Fernandez, ang commuter train service ay karaniwang mas mabagal dahil sa mas madalas itong huminto upang magsakay ng mga pasahero.

    Hinggil naman sa posibilidad na pagsasalin ng kontrata sa konstruksyon ng NorthRail sa mga pribadong negosyante mula sa mga Tsinong Kontraktor, sinabi ni Payumo na isa itong mahabang proseso.

    Ito ay dahil sa kailangan munang tuluyang putulin ang kontrata sa pagitan ng Pilipinas at Tsina para sa konstruksyon ng NorthRail.

    “Masalimuot iyan, dahil may exisiting contract and one party can just decide, they have to negotiate,” ani Payumo.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here