50 sundalo’t pulis, binigyan ni PNoy ng bahay

    296
    0
    SHARE

    BOCAUE, Bulacan –Pinangunahan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang pamamahagi ng 50 bahay para sa mga pulis at sundalo sa magkahiwalay na seremonya sa Bulacan at Laguna noong Biyernes.

    Sa Bulacan, ipinagkaloob ng Pangulo ang susi ng bahay at certificate of entitlements sa 10 pulis at 10 sundalo.

    Matapos ang pagkakaloob sa Bocaue Hills sa bayang ito, agad na lumipad ang Pangulo sakay ng helicopter at nagtungo sa Laguna kung saan ay  15 sundalo at 15 pulis ang tumanggap ng susi at certificate of entitlements.

    Ang pamamahagi ng low cost housing units ay bahagi ng pangakong 20,000 pabahay ng Pangulo para sa mga sundalo at pulis.

    Ito ay kanyang ipinangako noong Pebrero kaugnay ng ika-25 guning taon ng Edsa Revolution.

    Sa pamamagitan ng Administrative Order No. 9, pinasimulan ng National Housing Authority (NHA) ang konstruksyon ng mga pabahay sa ibat-ibang bahagi ng Luzon na nagkakahalaga ng P4.2-bilyon.

    Kaugnay nito, inihayag ni Defense Secretary Voltaire Gazmin ang katulad na proyektong pabahay ay gagawin din sa Visayas at Mindanao.

    Sinabi ni Gazmin na nagsimula na ang screening sa mga sundalo at pulis na nais maging bahagi ng housing program ng Pangulo.

    Ni Dino Balabo at Rommel Ramos

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here