Zubiri: Administrasyong P-noy walang direksyon

    375
    0
    SHARE
    MALOLOS CITY—Dismayado si Senador Juan Miguel Zubiri sa administrasyong Aquino na ayon sa kanya’y kasalukuyang maraming ginagawa ngunit hindi sapat upang higit na mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.

    Kaugnay nito, binigyan lamang ni Zubiri ang administrasyon ng gradong six out of 10 sa unang 10 buwan nito sa poder.

    Ayon sa senador, wala pang malinaw na direksyon ang administrasyong Aquino matapos ang 10 buwan sa tungkulin ay hindi pa rin nito maipatupad nang maayos ang batas na Renewable Energy na pinagtibay noong 2009, na dapat sana ay makatugon sa napipintong krisis sa enerhiya ng bansa.

    “So far, the Aquino administration is busy looking backwards by investigating corruptions in the past.  That’s a good step, but we must have a forward looking program parallel to that,” ani  Zubiri.

    Ikinumpara din niya ang kasalukuyang administrasyon sa administrasyon nina dating  Pangulong Fidel Ramos at  Gloria Arroyo na nagsulong ng mga programang Philippines 2000 at Philippines 2020, ayon sa pagkakasunod.

    “It would be safe to give the President a six out of 10, just above passing kasi ay 10 months pa lang. Pero within that 10 months, wala pang nakikitang pagbabago,” ani ng independiyenteng Senador.

    Sinabi niya na sa kasalukuyan ay nakasandal ang administrasyong Aquino sa proyektong Public Private Partnership (PPP), at ipinayong, hindi dapat umasa doon ang Pangulo.

    “Walang green revolution, sa agriculture wala ring major program, pati sa imprastrura. Panay lang PPP lang po at itong PPP hindi naman lumilipad, in fact, maraming investors ang natatakot sa PPP dahil walang seguridad ang investment nila. The President should not rely on PPP for projects, because it is limited only sa mga highly populated areas like Metro and Mega Manila. Ano na ang ibibigay nilang project sa mga nasa bundok ng Bulacan, Visayas and Mindanao,” ani  Zubiri.

    Binatikos din niya ang administrasyong Aquino dahil sa hindi nito maipatupad ng maayos ang Renewable Energy Act of 2009 lalo pa ngayon na may napipintong krisis sa enerhiya.

    Si Zubiri ang pangunahing nag-akda ng Renewable Energy Act of 2009..

    “Ang problema lang sa Renewable Energy Law ay ang implementation ng national government. Kulang na kulang ang pagtulak nila. There is lack of enthusiasm by this new administration to push renewable energy projects,” aniya.

    Iginiit pa niya na naghihintay pa rin ang administrasyon sa mga guidelines na ipalalabas ng  Department of Energy (DOE) para sa pagpapatupad ng Renewable Energy Law.

    Ayon kay Zubiri, “Dapat mayroon na silang one-stop-shop para sa mga investors, kaso ang daming hadlang sa industriya, ang daming permit na kukunin sa iba’t-ibang ahensya bago makapagsimula ng renewable energy project.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here