LUNGSOD NG MALOLOS – Dalawang bagong direktor ng Philippine National Oil Company (PNOC) kabilang ang isang Bulakenya ang hinirang ni Pangulong Benigno Aquino III sa tungkulin kamakailan.
Sila ay sina dating Senador Victor Ziga, at dating Bulacan Provincial Administrator Gladys Cruz-Sta. Rita, na kapwa nanumpa sa harap ni Energy Secretary Rene Almendras sa tanggapan ng PNOC sa Fort Bonifacio noong Biyernes, Marso 18.
Sina Ziga at Cruz-Sta. Rita ay hinirang matapos ihayag ni Pangulong Aquino ang oil exploration project sa Palawan, at ang natural gas exploration sa Occidental Mindoro. Ito ay kapwa inaasahang maghahatid ng dagdag na suplay ng langis at gas sa bansa na umaasa sa inaangkat na katulad na produkto mula sa Gitnang Silangan.
Bilang isang abogado mula noong 1975, si Ziga ay nagtapos ng pag-aaral sa Ateneo de Manila University, University of Sto. Tomas, at sa University of California sa Los Angeles.
Siya ay nahalal bilang kasapi ng Batasang Pambansa noong 1984, itinalaga bilang Minister of General Services noong 1986; at nahalal na Senador sa ilalim ng administrasyon ng yumaong si Pangulong Corazon Aquino.
Si Ziga ay isinilang sa Maynila noong Setyembre 30, 1945 kina Venancio Ziga, dating gobernador ng Albay, at Tecla San Andres Ziga, isa ring dating Senador.
Si Cruz-Sta. Rita naman ay nanungkulan bilang provincial administrator ng Bulacan sa loob ng 17 taon.
Kilala siya sa kanyang isinulat na libro na “Running A Bureaucracy” na inilathala ng Centennial Publication ng University of the Philippines National College of Public Administration and Governance upang maging gabay ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa buong Pilipinas.
Nagtapos si Sta. Rita ng kolehiyo sa University of the Philippines School of Economics; nagpakadalubhasa sa Public Administration sa University of Regina Carmeli; at nagtapos din ng Course for Senior Executives sa Kennedy School of Government ng Harvard University sa Amerika.
Bago ang kanyang pagkakatalaga bilang isa sa mga kasapi ng lupon patnugutan ng PNOC, nagsilbi rin si Sta. Rita bilang executive vice president ng Southeast Asian Commodities and Food Exchange, Inc. (SACFEI), at USAID Consultant.
Naging aktibo rin si Sta. Rita sa kampanya ni Pangulong Aquino sa Bulacan sa nagdaang halalang pampanguluhan kung saan ay nakasama niya sina Social Welfare Secretary Dinky Soliman, at dating Defense Secretary Avelino Cruz, Jr.