MALOLOS CITY—Muling dinumog ng libo-libong manonood ang Giant Lantern Festival (GLF) sa City of San Fernando, Pampanga na tinampukan ng nagsasayaw na makukulay na ilaw ng parol na ngayon ay hinahangaan na rin sa mundo.
Kaugnay nito, tinanghal na kampeon ang higanteng parol ng Barangay Sta. Lucia sa taunang GLF competition na tinampukan ng siyam na parol na may sukat na 22-talampakan ang lapad.
Ang taunang GLF ay isinagawa sa Robinson’s Star Mills sa City of San Fernando kung saan ay libo-libo ang nanood, bukod pa sa mga nanood sa telebisyon dahil ito ay ipilabas ng live ng CLTV Channel 36, isang regional TV station.
Sa kanyang maikling talumpati, sinabi ni City Mayor Oscar Rodriguez na ang kanilang “Parul Sampernandu” ay hinahangaan na rin ngayon sa ibayong dagat.
Ito ay dahil sa halos 100 ”Parul Sampernandu” ang kanilang dinala at inilawan sa Bangkok, Thailand noong nakaraang linggo.
Ayon kay Rodriguez, halos tumigil ang trapiko sa Bangkok dahil sa paghanga ng mga Thai sa “Parul Sampernandu.”
Sa timpalak ng mga higanteng parol, nahigtan ng Sta. Lucia ang entry ng depending champion na Barangay Dolores at mga barangay San Nicolas, Del Pilar, Sto. Nino, San Jose, San Pedro, Telabastagan, at San Juan.
Ang Barangay Sta. Lucia ay tumanggap ng tropeo at premyong nagkakahalaga ng P102,000.
Pumangalawa naman ang entry ng Barangay Dolores na tumanggap ng tropeo at premyong P50,000; bukod sa pagkilala bilang regional choice ng libo-libong texters na bumoto matapos mapanood sa CLTV 36 ang palabas.
Tinanggap naman ng Barangay San Nicolas ang ikatlong karangalan sa taunang GLF at premyong P30,000.
Ayon kay Jade Pangilinan, ang tourism officer ng Lungsod ng San Fernando ang tradisyon ng paggawa ng higanteng parol sa kanilang lungsod ay nagsimula mahigit 100 taon na ang nakalipas.
Ngunit ang malinaw na kasaysayang nasulat hinggil dito ay naitala noong 1929.