MALOLOS CITY – Walang pasok sa Sabado sa lungsod na ito at lima pang bayan sa Bulacan dahil sa isasagawang special elections.
Ito ay matapos pagtibayin ng Sangguning Panlalawigan ng Bulacan noong Miyerkoles ang isang resolusyon na nagsasaad na ang araw ng Sabado, Nobyembre 13 ay isang special non-working holiday sa lungsod ng Malolos at mga bayan ng Bulakan, Paombong, Hago-noy, Calumpit at Pulilan.
Ang mga nasabing bayan at lungsod ay nasasakop ng unang distrito ng lalawigan kung saan ay isasagawa ang isang special election para sa kongresista mula alas-7 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi sa Sabado.
Ayon kay Provincial Administrator Jim Valerio, ang deklarasyon na walang pasok sa mga paaralan at tanggapan ay isang pagbibigay pagkakataon sa mga botante ng unang distrito na maipahayag ang kanilang damdamin sa pamamagitan ng pagboto.
“Gustong matiyak ng pamahalaang panlalawigan na makakaboto ang mga taga district 1 sa isasagawang special elections sa Sabado dahil sa paniniwalang ito ay isang sagradong karapatan ng bawat mamamayan, kaya nagdeklara ng special non-working holiday” ani Valerio.
Ayon kay Valerio, nagpahatid ng liham kahilingan ang provincial election supervisor ng lalawigan na si Atty. Sabino Mejarito kay Gob. Wilhelmino Alvarado upang magdeklara ng holiday.
Ito ay dahil na rin sa naantala ang naunang kahilingan ng Commission on Elections (Comelec) sa Malakanyang na magdeklara ng holiday sa unang distrito dahil paalis ng bansa si Pangulong Benigno Aquino III.
Si Aquino ay tumulak patungong Japan upang dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit at iba pang pulong.
Matapos matanggap ang liham ni Mejarito, agad na nagpahatid ng isang “certified urgent” na liham si Alvarado sa Sangguniang Panlalawigan upang magpatibay ng kaugnay na resolusyon.
Samantala, idinipensa ni Mejarito ang anim na pangalan ng kandidato na inimprentang balota na gagamitin sa special elections sa Sabado.
Ang mga kandidato sa pagkakongresista ng unang distrito na nakatala ang pangalan sa balota ay sina dating Gob. Roberto Pagdanganan, dating Kint. Marivic Alvarado, dating Malolos Mayor Danilo Domingo, dating Kint. Jun Aniag, at sina Francisco Cruz at Tomas Valencia.
Sa anim na kandidato, tanging sina Pagdanganan at Alvarado lamang ang nagsagawa ng hayagang kampanya, sina Domingo at Aniag ay umurong na sa kandidatura; at ayon sa Comelec, sina Cruz at Valencia ay hindi matagpuan ng tangkain nilang imbitahan ito para sa testing at sealing ng PCOS machine noong Miyerkoles.
“Gawa na yung template para sa balota nung maisubmit ko yung withdrawal,” ani Mejarito.
Maliban kina Pagdanganan at Alvarado, ang apat pang kandidato ay nag-file ng Certificate of Candidacy (COC) para sa pagka-kongresista ng Lone District of Malolos na ibinasura ng Korte Suprema dahil sa hindi nakaabot sa sapat na bilang populasyon na 250,000.
Dahil sa nasabing pagbasura sa lone district, ang Malolos ay ibinalik sa unang distrito at nawalan ng bisa ang halalan sa pagka-kongresista noong Mayo 10.