MALOLOS CITY—Titigil sa produksyon at pagbebenta ng palay ang magsasaka sa bansa bilang protesta sa paglilipat ng P6-bilyong procurement budget ng National Food Authority (NFA) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito ang nilalaman ng tatlong pahinang manifesto na inilabas ng Philippine Farmers Advisory Board (PFAB) noong Biyernes, kung saan ay kinondena nila ang paglilipat ng pondo at nanawagan sa mga kongresista na palakasin ang NFA sa pamamagitan ng pagbibigay pondo.
Nagbabala rin ang PFAB na magsasagawa sila ng mga kilos protesta sa mga darating na araw hangga’t hindi ibinabalik sa magsasaka ang kanilang karapatan ng administrasyong Aquino na kanilang inilarawan bilang “new wolf government clothed in sheep’s clothing.”
Ayon kay Katho Moreno, tagapangulo ng PFAB, nagkaisa ang mga pinuno ng 15 Regional Farmers Action Council (RFAC) sa bansa na hindi magtatanim ng palay sa susunod na cropping season.
Ito ay dahil daw wala silang nakikitang kinabukasan lalo na kung matutuloy ang panukala ng Malakanyang na “Zero Procurement Subsidy for Palay” sa NFA.
“Ngayon pa lamang wala ng pondo ang NFA sa Pangasinan para ibayad sa palay ng mga magsasaka samantalang ang pondong kanilang ginagamit ay para sa taong 2010,” ani Moreno at sinabing mas higit pa rito ang maaaring mangyari sa susunod na taon kapag walang procurement budget na ibinigay sa NFA.
Ang procurement budget ay ginagamit ng NFA na pambili sa mga aning palay ng mga magsasaka sa halagang P17 bawat kilo.
Ayon kay Moreno, ang panukala ng Malakanyang na zero procurement subsidy sa palay ay isang malinaw na sangkap para sa krisis sa bigas.
Ipinaliwanag niya na kung walang pondong pambili ng palay mula sa magsasakang Pilipino ang NFA, muling aasa ang bansa sa pag-angkat ng mga bigas, at magiging mabuay ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.
“Rice importation activities favors the foreign farmers and is a robbery to the Filipino farmers,” aniya.
Iginiit pa ni Moreno na kapag naging mabuay ang presyo ng bigas, idiniin ni Moreno na magiging sunod-sunuran ang mga magsasaka sa presyong ididikta ng mga komersyante.
Sinabi pa niya na ang paglilipat ng pondo ng NFA sa DSWD ay isang hakbang laban sa mga magsasaka bukod pa sa walang kakayahan ang DSWD sa distribution ng bigas.
Kaugnay nito, nagbabala rin si Roman Sanchez, ang tagapangulo ng NFA-Employees Association na walang mabuting idudulot ang zero procurement subsidy for palay, sa halip, ito ay magbibigay buhay lamang sa panibagong grupo ng kartel ng bigas na maaaring i-hostage ang gobyerno sa panahon ng krisis sa bigas.
Iginiit ni Sanchez na nagkamali ang mga tagapayo ng Malakanyang sa panukalang zero procurement subsidy na kanilang inilarawan bilang isang lason na ipinipilit ipakain sa mga magsasaka.
Matatandaan na ilang taon ng nagrereklamo ang magsasakang Pilipino sa polisiya ng gobyerno na umangkat ng bigas mula sa ibayong dagat dahil nakakaapekto ito sa kanilang produksyon at nahihirapan silang ibenta ang kanilang ani dahil kung minsan ay mas mura ang bigas na inangkat mula sa ibayong dagat.